Pagkapasok na pagkapasok nila sa pribadong opisina ni Dr. Dominic Lorenzo, isang malakas na click ng seradura ang umalingawngaw sa tahimik na kwarto. Hindi na ibinaba ni Dominic si Maya. Hawak pa rin niya ang asawa sa bridal style, ang mga mata ng Hari ng OR ay nagdidilim sa isang pamilyar na pagnanasa na hinaluan ng matinding desperasyon at kaluwagan."Dominic... ibaba mo na ako," natatawang bulong ni Maya, mahigpit na nakapulupot ang mga braso sa batok ng asawa. "Ang bigat-bigat ko na, baka mabali 'yang likod mo.""You weigh nothing to me, Maya," paos na sagot ni Dominic. Dire-diretso siyang naglakad, hindi patungo sa kaniyang executive chair, kundi sa malapad at malambot na leather sofa sa gilid ng kwarto.Maingat na maingat siyang lumuhod bago dahan-dahang ibinaba si Maya sa ibabaw ng sofa. Hindi niya inalis ang kaniyang mga braso sa baywang ng dalaga, sa halip ay isiniksik niya ang kaniyang sarili sa pagitan ng mga hita ng asawa. Ang malamig na hangin mula sa aircon ng opisina ay
Last Updated : 2026-09-21 Read more