Kinabukasan, maaga pa lang ay may kakaiba nang pakiramdam si Elena. Habang inaayos niya ang mga lesson plan sa ibabaw ng kaniyang desk, hindi niya maiwasang matulala sa kawalan.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa dinner nila ni Jay kagabi o dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya, iyong seryoso at malalim na titig na parang nababasa nito ang buong pagkatao niya bago sila naghiwalay.Whatever it was, she hated how easily the man could occupy her thoughts. Nakakainis na simpleng ngiti lang nito, nagugulo na ang buong sistema niya."Ma'am Elena!"Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang pamilyar na boses. Napalingon siya at nakita si Julian na tumatakbo papunta sa kaniya, mabigat ang hakbang dahil sa bitbit nitong malaking backpack."Good morning po!" masiglang bati ng bata, hingal na hingal pero nakangiti."Good morning," nakangiting ganti niya habang inaayos ang buhok ng bata."Ma'am, kasama n'yo po si Ninong kagabi?"Sa gulat, halos mabitawan niya ang hawak niyang folder. Ma
Last Updated : 2026-08-12 Read more