LUCA ODELLE VITALE'S POV‘Anya, I'm coming. And this time, no one will be able to hurt you.’Hindi ko na hinintay pang matapos ang pangungusap na ‘yon sa utak ko. Pinag-tatanggal ko ang lahat ng mga aparato na nasa katawan ko, ang IV line, monitor at clip sa aking daliri. Tumunog ang makina sa gilid ko pero hindi ko na iyon pinansin. Bawat hatak ko ay may kirot pero wala na akong pakialam doon.Nagbihis ako sa harap ng salamin sa closet. Hinubad ko ang hospital gown at isinuot ko ang aking black shirt at isang pants. Simpleng attire lang, walang tie, walang suit at walang relo na milyon ang halaga. Hindi naman ako pupunta sa board meeting o sa isang business meeting, pupuntahan ko ang babaeng muntik ko nang tuluyang abandunahin dahil sa katangahan ko.Pagbukas ko ng pint0 ng hospital room, nandoon ang pinsan kong si Dante sa labas. Nakaupo siya sa may waiting area habang nakahalukipkip."Where the fúck do you think you're going? Luca, hindi ka pa magaling. The doctor said —""Dante."
Huling Na-update : 2026-09-30 Magbasa pa