ANYA THERESE BENNETT'S POVNang sumapit ang ganap na ala-una ng hapon, pumasok ako sa VIP elevator bitbit ang dalawang malalaking folder at ang tablet ko. Nang bumukas ang pinto sa underground parking, naroon na si Luca na nakasandal sa pinto ng kaniyang kotse habang nakatutok ang tingin sa cellphone.Sa passenger side naman ay nakatayo si Caroline, naka-sunglasses at mukhang excited na excited sa biyahe."Nandiyan ka na pala," bungad ni Caroline nang makita niya ako. Kinuha niya ang maliit niyang handbag at binuksan ang pinto sa harap. "Babe, pasok na ako sa harap, ha?""Hmm," maikling tugon ni Luca nang hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin.Dumiretso ako sa backseat. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at umupo sa likod ng driver's seat. Inilapag ko ang mga folder sa tabi ko at tahimik na tumitig sa bintana. Sumakay na rin si Luca at pinatakbo ang sasakyan palabas ng building.Sa buong biyahe patungong Batangas, walang tigil ang daldal ni Caroline."Babe, nagpa-reserve na pala
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-19 Mehr lesen