ANYA THERESE BENNETT'S POVTumingin ako kay Luca. Nakaupo pa rin siya sa executive chair niya, nakatitig sa akin nang may halo-halong gulat at pagsisisi sa mga mata. Halatang halata ang pasa sa gilid ng labi niya pati na rin ang pananamlay ng mukha niya. Pero sa pagkakataong ito, wala na akong naramdamang ni katiting na awa o panlalambot sa dibdib ko.Inayos ko ang tayo ko, itinaas ang aking baba, at tuluyang isarado ang pinto sa mga nakaraang emosyon ko para sa kaniya. Simula sa minutong ito, isa na lang siyang employer sa paningin ko—at ako ay ang kaniyang empleyado.Dahan-dahan akong naglakad lapit sa tapat ng desk niya, pinapanatili ang sapat na distansya sa pagitan naming dalawa. Ikinulong ko ang mga kamay ko sa aking likod."Sir Luca," panimula ko sa malamig at malinaw na boses, pormal at walang halong anumang panginginig. "Dahil nalinaw na po ang lahat sa labas, nandito na po ako para magsimula uli."Bahagyang gumalaw ang mga labi niya, tila ba nagulat sa paraan ng pagtawag ko
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-28 Mehr lesen