ANYA THERESE BENNETT'S POVNakatitig ako sa screen ng laptop habang mabilis na nagta-type ng financial summary report para sa meeting bukas. Kahit medyo mabigat pa rin ang aking ulo at nanghihina ang aking katawan mula sa nangyaring allergy attack, kailangan kong matapos 'to. Ayaw kong maging dahilan ng anumang delay sa opisina, lalo na't ayaw kong makarinig uli ng anumang salita mula kay Caroline o kay Luca."Anya, pakiusap naman... isara mo muna 'yang laptop mo."Lumapit si Jacob mula sa maliit kong kusina, dala ang isang mangkok ng mainit na sopas na siya mismo ang nagluto. Isang oras na mula nang ihatid niya ako rito sa bahay, pero ayaw niya pa ring umalis dahil nag-aalala siya na baka sumama uli ang pakiramdam ko."Kailangan ko 'tong matapos, Jacob," mahinang sagot ko habang nakatitig pa rin sa screen. "Bukas na ang meeting sa mga investor at wala si Mr. Vitale, na ibang mag-aasikaso nito."Bumuntong-hininga si Jacob, pumuwesto sa tabi ko sa sofa, at marahang ipinasa ang takip ng
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-27 Mehr lesen