ANYA THERESE BENNETT'S POV Kinabukasan, maaga kong inayos ang aking sarili para sa gaganaping lunch meeting sa isang kilalang hotel restaurant. Sa kabila ng kapal ng makeup at maliit na bandage na bahagyang nakatatakip sa pisngi ko, kitang-kita pa rin ang pangingitim sa ilalim ng mga mata ko dahil sa kawalan ng tulog.Tahimik akong nakasabay kay Luca papunta sa venue. Sa buong biyahe, pormal at malayo ang aming distansya sa isa't isa, kung iisipin ay para kaming estranghero sa isa’t-isa—na para bang hindi namin minahal ang isa’t-isa.Nang makarating kami sa pribadong dining room ng hotel, nakahanda na ang malaking round table. Ilang minuto lang ang lumipas, bumukas ang pinto at pumasok ang mga kinatawan ng Hidalgo Constructions, isa sa pinakamalaking partner company na makakakatuwang ng Vitale Group para sa panibagong infrastructure project.Pumasok ang CEO ng Hidalgo Constructions na si Mr. Eduardo Hidalgo, ngunit bago pa man ako makayuko para bumati, natigilan ako sa lalaking kasu
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-26 Mehr lesen