LUCA ODELLE VITALE’S POVNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Pagdilat ng mga mata ko, napansin kong nasa guest room ako ng sarili kong condo, nakahiga sa sofa habang nakasuot pa rin ng kagabi kong pantalon.Pumikit ako nang mahigpit at hinawakan ang sentido ko na parang pinupukpok sa tindi ng kirot. Dahan-dahang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi—ang pag-inom ko sa bar, ang pagpunta ni Anya, ang boses ni Caroline sa telepono, at ang paghatid sa akin pauwi.Pero biglang gumuhit sa utak ko ang eksena sa loob ng masters bedroom.Naalala ko ang paglapit ni Caroline habang nakahiga ako sa kama. Naalala ko ang paghalik niya sa akin, at ang marahas kong pagtulak sa kaniya palayo bago ako lumabas ng kwarto.Napaupo ako sa sofa at napahawak sa aking mukha. Gumapang ang matinding konsensya sa dibdib ko."What have I done?" pabulong kong mura sa sarili.Napakasama ng ginawa ko kay Caroline. Alam kong maarte siya, demanding, at minsan ay napakaselan sa maraming bagay, pero hindi ko
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-24 Mehr lesen