Caroline’s POV Nakatitig ako sa malaking salamin ng suite habang maingat na inaayos ng makeup artist ang huling layer ng lipstick ko. Kahit ilang oras na kaming naghahanda, parang hindi pa rin nauubos ang kailangang ayusin. Sa paligid ko, naghahalo ang amoy ng mamahaling pabango, tunog ng mga hair dryer, at tawanan ng mga kaibigan ko.Maluwag ang suite, pero dahil apat kaming sabay-sabay na nagpapaganda, pakiramdam ko ay napuno na rin ito ng gamit, makeup bags, damit, at mga kahon ng kung anu-anong accessories.Kasama ko rito ang tatlo kong matalik na kaibigan noong college. Inaayusan din sila ngayon para sa reunion mamaya, at gaya ng dati, hindi nawawala ang asaran namin kahit ilang taon na ang lumipas mula nang magkaniya-kaniya kami ng buhay. "Girl, I swear, ikaw talaga ang magiging star ng gabi mamaya," puri ni Nicole habang tinitingnan ang kulay pulang Gucci gown ko na nakasabit sa gilid. "Imagine, papasok ka sa hall nang nakakapit sa braso ni Luca Odelle Vitale? Sumpa sa inggit
Huling Na-update : 2026-09-02 Magbasa pa