CAROLINE PENDLETON’S POVMaaga akong nagising kinabukasan hindi dahil nakatulog ako nang maayos. Actually, halos hindi na nga ako nakatulog.Bandang alas-singko pa lang, nakadilat na ako at nakatitig sa kisame. The room was still dark, pero ayoko nang pumikit ulit. Nang mapagod ako sa kakaisip, saka lang ako bumangon at dumiretso sa bathroom.I took my time getting ready. A light blouse. A cream skirt. Minimal makeup. Simple lang pero hindi ibig sabihin no’n na kailangan kong magmukhang parang galing sa bangungot.Paglabas ko ng kuwarto, nadatnan kong tahimik ang hallway. Sa baba, may narinig akong boses.“Ma’am, ready na po ang car.”Bumaba ako. Nakita ko si Lola Carolina sa foyer, kasama ang isang maid na may hawak na maliit na handbag niya.“Good morning, Lola.”Lumingon siya sa akin. For a second, parang nagulat siyang makita ako.“Ang aga mo yatang nagising ngayon, Caroline.”“Hindi po ako nakatulog.”Napansin niyang nakatingin ako sa handbag niya.“May pupuntahan po kayo?”Tuman
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-14 Mehr lesen