Nerisse Vieri’s Point of ViewHindi maipinta ang aking mukha, habang pinagmamasdan si Lucien na kasalukuyang hinahaplos ang ulo ng itim na kabayo. Kinakausap din siya ng butler, at kung minsan ay sumusulyap si Lucien sa aking gawi, habang nanatili akong nakatayo sa pintuan.Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila, kahit naririnig ko naman. Italian naman kasi ang ginagamit nilang salita, at hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming puwedeng gamitin—Tagalog, o English, bakit Italian pa?Humugot ako nang malalim na hininga nang yumuko nang bahagya ang butler bago tuluyang pumasok sa mansion. Ngunit nang magtama ang aming mga mata, yumuko siya nang bahagya, saka umalis.“Come here,” utos ni Lucien.Tumigil siya sa paghaplos sa ulo ng kabayo, at inabot lamang ang tali nito. Nanatiling nakatuon sa akin ang kaniyang mga mata, habang sinusuri ang mukha ko. Kaya dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya, at bahagyang inayos ang suot kong dress.“Talagang pupunta pa rin tayo roon kahit
Last Updated : 2026-11-12 Read more