Nerisse Villareal’s Point of View“Ikaw ang nauna,” bulong ko naman pabalik, at lumayo nang kaunti.Tumingin lang ako kay Father, habang patuloy siya sa pagmimisa. Pinili kong makinig sa kaniya, kahit na ginugulo ako ni Lucien sa pamamagitan ng paghaplos niya sa aking balakang.“Kung hindi ka sana nang-asar, hindi ako gaganti,” dagdag ko pa, pero tumawa lang siya.“Ako pa ang may kasalanan?”“Ikaw naman talaga,” giit ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Ngunit imbes na magsalita siya, nakinig na lang din siya sa misa. Subukan niya lang magsinungaling. Nasa harapan na nga kami ng altar. Hindi kaya siya kilabutan doon?Nang matapos ang misa, sinabi ni Father na oras na para magpalitan kami ng wedding vows. Kaya hinarap ko si Lucien, at sinalubong ang kaniyang mga mata, habang hawak ang aking kamay.Inabot niya ang microphone, at mahigpit ‘tong hinawakan. Hindi niya agad inilapit ang microphone sa kaniyang labi, at hinaplos lamang ang likod ng aking kamay gamit ang kaniyang hinlalaki.L
Last Updated : 2026-10-16 Read more