Nerisse Vieri’s Point of View“Ako na,” pigil niya sa akin nang akmang magsasandok ako ng pagkain ko.Kinuha niya sa akin ang serving spoon, kaya hindi na ako nakipagtalo, at hinayaan ko na lamang siya. Umangat ang sulok ng aking labi, at pinanood siyang maglagay ng pagkain sa aking plato.“Ang sweet naman ng mister ko,” malambing kong sambit, at pinagsaklop ang aking kamay sa ibabaw ng aking hita. “Gusto mo na naman ba ng isang round ngayong gabi, Lucien?”Nag-angat siya ng tingin, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo.“Kung may balak man akong angkinin ka muli, Nerisse, hindi ko na kailangang gawin ‘to,” pahayag niya nang hindi inililihis ang kaniyang mga mata.Umakyat ang init sa aking pisngi. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata, at kinuyom ang aking mga kamay.“Kinikilig ka ba, misis? Pulang-pula ang pisngi mo—”“Hindi!” singhal ko sa kaniya, at inabot ang aking inumin.Wala sa sarili akong napainom ng tubig, habang naririnig ko ang pagtawa niya nang mahina.“Bakit ak
Last Updated : 2026-10-24 Read more