INICIAR SESIÓNElysia Mireille Severino’s Point of ViewNagising na lamang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan niya, at nang lingunin ko siya, nagtama ang aming mga mata. Mula sa ilaw na nagmumula sa labas, bahagya kong naaaninag ang mukha ni Aeron.“Did I wake you up?” tanong niya, gamit ang mababang boses.Umiling naman ako nang bahagya, at kinusot ang aking mga mata nang kaunti.“Hindi naman. Mababaw lang talaga ang tulog ko,” napapaos kong paliwanag.Sinabihan niya akong umidlip muna, habang nasa biyahe kami pabalik ng Manila. Noong una ay tinanggihan ko pa, ngunit dahil medyo marami rin akong nakain kanina, nakaramdam ako ng antok.Dahan-dahan ko naman inabot ang seat belt, at tinanggal ‘yon. Pinatay naman ni Aeron ang makina ng kaniyang sasakyan, ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin.“Gutom ka?”Ibinalik ko naman ang aking atensyon sa kaniya, at ngumiti. “Busog pa ako. Ang dami nating kinain kanina.”“Bumili ako ng chocolate chip cookies,” wika niya na siyang ikinakurap k
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ano ba dapat?” tanong ko sa kaniya, may nakalolokong ngisi sa labi niya.Sinubukan kong maging kalmado kahit papaano, ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pasimple kong kinurot ang aking daliri, at tinitigan siya, kahit na gusto ko na talagang ilihis ang aking mga mata.Biglang tumahimik ang buong paligid, habang nakikipagtitigan ako kay Aeron. Hindi ko alam kung dahil ba sa tensyon sa pagitan namin, o kung ano.“Alangan na sabihin kong pangit ka, kahit hindi naman?”“So, guwapo nga ako sa paningin mo?”Napakurap ako, at medyo natawa nang mahina nang tuluyan kong maintindihan ang gusto niyang iparating.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nagpapanggap pa ba kami ngayon, dahil kumikislap ang mga mata niya.Hindi ko rin maramdaman na pagpapanggap lang ang lahat ngayon lalo pa’t ang lakas ng kabog ng puso ko.“Kahit naman sino, magaguwapuhan sa ‘yo.”Dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi, at ipinilig nang kaunti ang kaniyang ulo. Lumapit
Elysia Mireille Severino’s Point of View Sobrang init mukha ko nang lumabas ako sa sasakyan ni Aeron. Nang magtama ang aming mga mata, umangat ang sulok ng labi niya. Inalalayan pa niya akong makatayo nang maayos, ngunit hinampas ko lamang ang kaniyang dibdib.“Si Aeron ba ‘yon?”Napakurap ako nang maisara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Hindi pa man kami nakalalayo, pero may nakakikilala na kaagad sa kaniya.“Hala! Oo! Siya nga!”Hinuli naman ni Aeron ang kamay kong humampas sa kaniyang dibdib, at hinawakan ‘to nang mahigpit.Hinigit naman niya ako palapit sa kaniya, at mabilis na hinalikan ang labi ko, kahit may nakatingin sa amin ngayon.“Fiancée niya yata ‘yon.”“May fiancée ba siya? Wala akong nabalitaan. Ang alam ko, single siya.”“Seryoso ka ba? Kalat ‘yon sa social media!”Nagsimulang gumalaw ang labi ni Aeron na siyang ikinasinghap ko. Kinuha naman niya ‘yong pagkatataon para ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko na siyang nagpapikit sa akin nang mariin.Sinubukan kong t
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Matulog ka muna,” saad niya, ngunit nakatitig lang ako sa kaniya, habang nagmamaneho siya.“Bakit ako matutulog? Unfair ‘yon sa side mo,” saad ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Sumulyap naman siya sa akin saglit, ngunit ibinalik kaagad ang kaniyang atensyon sa harapan. Nakapatong ang isang kamay niya sa gearshift, habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Medyo mabilis din ang kaniyang pagmamaneho, ngunit halata naman na nag-iingat siya. Isa rin siguro sa dahilan ay sports car ang gamit niya. Eh, magkaiba pa man din ang performance ng mga normal na sasakyan kung ikukumpara sa sports car.“Paanong naging unfair? It’s fine. Pagod ka sa trabaho,” paliwanag niya, pero umiling lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko, at kinuhanan siya ng video. Ipo-post ko mamaya sa social media account ko kapag nakarating na kami sa Tagaytay. For safety reasons na rin kasi. Maraming nakakikilala sa kaniya kung ikukumpara sa akin.“Pagod ka rin naman,” kome
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ma’am, nandito na po si Sir Aeron. Papasukin ko po ba?” tanong ng secretary ko nang ilapag niya ang mga document na kailangan kong pirmahan.“Yes,” sagot ko naman, at ngumiti nang tipid sa kaniya. “Thank you.”Paglabas ng secretary ko, mabilis akong napasulyap sa digital clock na nasa gilid ng table ko, at napansin na alas kuwatro na pala ng hapon. Tama pala talaga siya sa sinabi niya. Kaya bahagya kong ipinilig ang ulo ko.Nang bumukas ang pinto, iniluwa kaagad nito si Aeron. Agad niyang hinanap ang aking mga mata. Inayos niya ang pagkatupi ng kaniyang sleeves nang maisara niya ang pinto.“Uuwi pa ba tayo sa condo mo?” tanong ko sa kaniya nang tumigil siya sa harapan ng aking table. “Or didiretso na kaagad tayo sa Tagaytay?”“Ikaw? Ano ba ang gusto mo?”Napakurap naman ako, at hindi makapaniwala na ako ang tatanungin niya kung gayon na dapat sa kaniya manggagaling ang sagot.Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa harapan ng aking table, at t
Elysia Mireille Severino’s Point of View Napatitig na lang ako sa plato ko na kung saan ay punong-puno ng pagkain. Tinitingnan ko pa lang, parang alam ko na kaagad na hindi ko ‘to mauubos.“Uubusin ko kung hindi mo kayang ubusin,” pahayag niya na siyang nagpaangat naman ng aking tingin, at sinalubong ang mga mata niya. “Pero marami kang binili.”Umangat lang ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kanan. Dumaan ang kislap sa kaniyang mga mata. Kaya napakurap ako, at nahigit ang aking hininga.“I know. Sinadya ko talaga, dahil baka marami kang kainin,” paliwanag niya, at naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. “Pero kung hindi mo kayang maubos, ayos lang. I can finish that. Don’t worry.”Napatango na lang ako, at hindi na nagsalita pa. Medyo nabibingi na rin kasi ako sa tibok ng puso ko, at parang hindi na ako makahinga nang maayos. Kaya pinili ko na lamang na kumain nang tahimik, kahit na lalo akong naiilang sa katahimikan.“Maaga ang out ko mamaya,” anu







