Biglang nanahimik ang buong dining hall.Isa-isang napalingon ang mga bisita sa direksyon ng hagdan. Ang mga ngiti sa kanilang mga mukha ay unti-unting napalitan ng pagtataka nang makita nila kung sino ang nakatayo sa second floor.Si Donna.Dahan-dahan siyang naglalakad pababa ng hagdan, bahagyang pasuray-suray ang bawat hakbang. Magulo ang kanyang buhok, bahagyang namumula ang kanyang mukha, at mahigpit ang hawak niya sa isang baso ng red wine. Halatang nakainom na siya nang sobra, ngunit higit na nakakatakot ang galit na mababasa sa kanyang mga mata.Walang nagsalita.Tanging tunog ng kanyang heels ang maririnig habang unti-unti siyang bumababa.Napatingin si Adrian kay Eliana.Agad niyang naramdaman na may mali.“Donna?” mahinang sambit ni Julio.Hindi sumagot si Donna.Sa halip, huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan at tumingin sa buong dining hall. Isa-isa niyang tinignan ang mga bisita, sina Julio, Luciana, Carlos, Gina, Marco, Kylie, Alessandro, Jayson, Scarlet, at higit sa la
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-02 Mehr lesen