Matapos ang ilang oras na biyahe, unti-unting nagbago ang tanawin sa labas ng sasakyan.Mula sa matataas na gusali, malawak na kalsada, at mga ilaw ng siyudad, napalitan iyon ng mga puno, palayan, maliliit na tindahan, at mga bahay na magkakalayo ang pagitan.Hating-gabi nang tuluyang marating nina Adrian at Eliana ang probinsya.Samantala, mahimbing na natutulog si Eliana sa passenger seat. Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa bintana, habang ang buhok niya ay ilang beses nang natatakpan ang mukha.Napangiti si Adrian habang sinusulyapan siya.Sa kabila ng mahabang biyahe, mukhang hindi man lang nito naramdaman ang pagod.Dahan-dahan niyang binawasan ang volume ng music bago siya nagsalita.“Babe…”Hindi gumalaw si Eliana.“Babe, gising na. Nandito na tayo.”Bahagyang gumalaw ang balikat ni Eliana, pero hindi pa rin dumilat.Napangiti si Adrian.“Babe, eto na ba ‘yun?.”Unti-unting iminulat ni Eliana ang mga mata niya. Ilang segundo muna siyang nakatitig kay Adrian bago niya napansin
Huling Na-update : 2026-09-25 Magbasa pa