Share

Chapter 107

Author: dandanara
last update publish date: 2026-10-02 11:02:14

“Luciana… totoo ba ito?”

Malamig ngunit nanginginig sa galit ang boses ni Julio. Nakatayo siya sa gitna ng dining hall, hindi inaalis ang tingin kay Luciana. Ang dating masayang engagement party ay tuluyan nang napalitan ng nakakabinging katahimikan.

Walang makapagsalita.

Lahat ng bisita ay nakatingin kay Luciana.

Sa kanyang mukha, sa kanyang mga mata, at sa paraan ng kanyang paghinga na tila hirap na hirap siyang bumuo ng kahit isang salita.

“Hon…” mahina niyang tawag kay Julio.

“Magpapaliwana
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 107

    “Luciana… totoo ba ito?”Malamig ngunit nanginginig sa galit ang boses ni Julio. Nakatayo siya sa gitna ng dining hall, hindi inaalis ang tingin kay Luciana. Ang dating masayang engagement party ay tuluyan nang napalitan ng nakakabinging katahimikan.Walang makapagsalita.Lahat ng bisita ay nakatingin kay Luciana.Sa kanyang mukha, sa kanyang mga mata, at sa paraan ng kanyang paghinga na tila hirap na hirap siyang bumuo ng kahit isang salita.“Hon…” mahina niyang tawag kay Julio.“Magpapaliwanag ako.”“Magpapaliwanag?”Napatawa si Julio nang mapait.“May anak ka sa labas at hindi mo man lang sinabi sa amin?”Napayuko si Luciana.“Sasabihin ko naman kaso….”“Then explain it!”Nanginginig ang kamay ni Julio habang nakaturo kay Eliana.“Tapos ang anak mo pala, nasa harapan lang namin sa lahat ng panahong ito?”Napatingin si Eliana sa kanya.Hindi niya alam kung saan siya titingin. Parang lahat ng tao sa paligid niya ay biglang naging estranghero.“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” galit na

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 106

    Biglang nanahimik ang buong dining hall.Isa-isang napalingon ang mga bisita sa direksyon ng hagdan. Ang mga ngiti sa kanilang mga mukha ay unti-unting napalitan ng pagtataka nang makita nila kung sino ang nakatayo sa second floor.Si Donna.Dahan-dahan siyang naglalakad pababa ng hagdan, bahagyang pasuray-suray ang bawat hakbang. Magulo ang kanyang buhok, bahagyang namumula ang kanyang mukha, at mahigpit ang hawak niya sa isang baso ng red wine. Halatang nakainom na siya nang sobra, ngunit higit na nakakatakot ang galit na mababasa sa kanyang mga mata.Walang nagsalita.Tanging tunog ng kanyang heels ang maririnig habang unti-unti siyang bumababa.Napatingin si Adrian kay Eliana.Agad niyang naramdaman na may mali.“Donna?” mahinang sambit ni Julio.Hindi sumagot si Donna.Sa halip, huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan at tumingin sa buong dining hall. Isa-isa niyang tinignan ang mga bisita, sina Julio, Luciana, Carlos, Gina, Marco, Kylie, Alessandro, Jayson, Scarlet, at higit sa la

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 105

    Magkahawak ang kanilang mga kamay habang marahan silang bumababa sa hagdan.“Ang ganda nila,” bulong ni Kylie.“Oo nga, bagay na bagay sila” sagot ni Marco.Si Alessandro naman ay malakas na pumalakpak at napangiti. “Finally,” mahina niyang sabi. “Nakuha rin ng kaibigan ko ang babaeng para sa kanya.”Si Carlos ay nakatayo sa tabi ni Gina, at hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang anak. Halatang puno ng pagmamalaki ang kanyang mga mata. Sa tabi niya, si Gina ay patuloy na humahanga sa suot ni Eliana.“Ang ganda ng anak mo,” sabi ni Gina.Napangiti si Carlos. “Oo. Hindi ko akalaing makikita ko siyang ganito kasaya.”Samantala, nanatiling nakatayo si Luciana, ngunit tila hindi niya marinig ang palakpakan sa paligid. Nakatitig lamang siya kay Eliana. Sa bawat hakbang ng kanyang anak, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng lihim na matagal niyang itinago.Ang babaeng bumababa sa hagdan ay ang anak na minsan niyang iniwan.Ang babaeng ngayon ay minamahal ng anak ng kanya

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 104

    Nagsimulang dumating ang mga bisita sa Cervantes Mansion bandang alas-sais ng gabi. Isa-isang huminto ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng malaking bahay, at bawat pagbukas ng pinto ay may kasunod na mga panauhing nakasuot ng elegante at mamahaling kasuotan. May mga kilalang businessman, mga personalidad sa politika, malalapit na kaibigan ng pamilya, at mga kamag-anak ng mga Cervantes na dumalo upang saksihan ang engagement party nina Adrian Cervantes at Eliana Reyes.Sa labas pa lamang ng mansiyon ay kapansin-pansin na ang engrandeng paghahanda. May mga ilaw na nakapalibot sa hardin, mga puting bulaklak na nakahilera sa walkway, at maliliit na parol na nagbibigay ng mainit at romantikong liwanag sa buong paligid. May ilang waiter na abalang sumasalubong sa mga bisita, habang ang iba naman ay may dalang tray ng champagne, wine, at iba’t ibang klase ng inumin.Pagpasok ng mga bisita sa loob, agad nilang nasilayan ang napakagandang dining hall. Malawak ang lugar at pinalamutian ng mg

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 103

    Naisip ni Adrian na kailangan na nilang maghanda para sa engagement party. Gaganapin iyon sa Cervantes Mansion, at dahil unang beses na makikilala nina Carlos at Gina ang pamilya niya bilang pamilya ng kanyang magiging asawa, gusto niyang maging maayos ang lahat.Kinuha ni Adrian ang kanyang cellphone at agad tinawagan si Marco.“Marco.”“Yes, bro?”“Pumunta ka rito sa penthouse. Isama mo na rin ang makeup artists at stylist. Kailangan nilang ayusan kaming lahat.”“Lahat?”“Yes. Lahat.”Napatawa si Marco sa kabilang linya.“Grabe ka. Engagement party lang naman, hindi pa kasal.”“Marco.”“O siya, sige na. Pupunta kami.”Pagkababa ng tawag, napatingin si Adrian sa sala kung saan nakaupo sina Carlos at Gina. Abala ang dalawa sa pakikipagkuwentuhan kay Eliana. Wala silang kaalam-alam na may paparating na maliit na beauty team para ayusin sila.Makalipas ang ilang oras, nagsidatingan na ang mga makeup artist at stylist na ipinatawag ni Marco. May dala silang mga maleta na puno ng makeup,

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 102

    “Babe naman, hindi ka nag-iingat,” mahinang saway ni Adrian habang hawak niya ang kamay ni Eliana. Halatang nag-aalala siya nang makita ang maliit na hiwa sa daliri nito at ang bahagyang dugong lumalabas. Kahit maliit lamang ang sugat, para kay Adrian ay sapat na iyon para kabahan siya.“Wala ito. Kaunting sugat lang naman,” mabilis na sagot ni Eliana habang pilit na ngumingiti.Tinitigan siya ni Adrian nang seryoso. “Kaunti o malaki, sugat pa rin iyon. Mag-ingat ka naman, please.”“Oo na,” sagot ni Eliana na bahagyang natawa. “Hindi na mauulit.”“Haynaku!” bulyaw ni AdrianHuminga nang malalim si Adrian bago dahan-dahang punasan ang paligid ng sugat gamit ang malinis na tissue. Hindi niya maalis ang pag-aalala sa mukha niya.“Babe, minsan talaga hindi mo iniisip ang sarili mo. Kapag may ginagawa ka, puro ibang tao ang iniisip mo.”Napangiti si Eliana. “Ikaw nga ang OA.”“Hindi ako OA.”“OA ka.”“Segi na OA na kong OA”Nagkatinginan sila bago sabay na natawa.Mula sa tabi nila, napang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status