Hindi nagtagal, dumating ang delivery driver dala ang hapunan ni Jillian.Pagbalik niya sa workstation, agad niyang binuksan ang package. Iba’t ibang klase ng sushi ang laman nito. Kumuha siya ng litrato at ipinadala kay Bryan.Natanggap ko na. Salamat sa delivery, Sir.Mabilis ang sagot nito.Kumain ka ng madami, ayoko ng nagugutom ka.Napakunot ang noo ni Jillian.Yes, SirLihim siyang napailing, pero hindi niya napansin na bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi.Pagkatapos kumain, bumalik si Jillian sa pag-edit ng footage mula sa research trip. Habang mabilis niyang pinapadaan ang mga video, bigla siyang napatigil nang makita si Bryan sa ilalim ng puno ng dalandan.Tahimik itong nakatayo roon, seryosong pinagmamasdan ang mga bunga. Matangkad, malapad ang balikat at tuwid ang tindig. Kahit simpleng pagtingin lang sa mga puno, may natural itong presence na mahirap balewalain.Hindi niya namalayang hindi na niya napindot ang speed-up button.Sa halip, bahagya niyang ni-zoom in an
Last Updated : 2026-08-22 Read more