Lumipas ang mga sumunod na linggo na parang mabilis na panahon. Mas naging masaya ang bahay nina Bryan at Jillian mula nang dumating si Ellie. Kahit madalas silang mapuyat at mapagod sa pag-aalaga sa anak, palagi pa rin silang may dahilan para ngumiti, lalo na ngayong nagsisimula nang magsalita at matutong kumilala ng mga tao ang kanilang anak.Isang hapon, napagdesisyunan nilang mamasyal sa park kasama sina Scott at Cotton. Matagal-tagal na rin kasi mula nang mailabas nila si Ellie, kaya naisip ni Jillian na magandang magkaroon sila ng simpleng family day.Habang inaayos niya ang maliit na sumbrero ni Ellie, abala naman si Bryan sa pag-check ng laman ng bag ng anak. Isa-isa niyang tinitingnan ang diapers, milk, extra clothes, wipes at iba pang gamit na baka kailanganin nila.“Bryan, ilang oras lang tayo sa park,” natatawang sabi ni Jillian nang mapansin niyang parang buong bahay na ang gusto nitong dalhin. “Hindi naman tayo aalis nang buong araw.”“Hindi natin alam kung ano ang kakai
Last Updated : 2026-09-27 Read more