Share

CHAPTER 5

last update publish date: 2026-08-24 16:37:15

Sunod-sunod na maririing paglunok muna ang ginawa ni Megan habang nasa tapat na siya ng pintuan ng opisina ni Killian. Hindi siya nakakilos. Hindi niya magawang kumatok sa p***o. Ni hindi niya nga alam kung itutuloy niya pa ba ang pagpasok sa opisina ng binata.

But she had to. She had no choice but to go to his office. Bilang bago niyang boss, hindi talaga maiiwasang madalas  niya itong makaharap.

Nagpakawala rin muna siya ng isang malalim na buntonghininga. Hindi niya pa maintindihan kung bakit ganoon na lang magbiro sa kanya ang tadhana. After six long years... after everything that happened, who would have thought that the man she had loved so much, but she left to marry someone else, would be her new boss? Sa dinami-rami ng kompanyang maaari nitong pamahalaan, bakit sa kompanyang pinagtatrabahuan niya pa?

Marahan nang hinamig ni Megan ang kanyang sarili. Tuluyan na siyang lumapit sa p***o ng opisina ni Killian saka nagbigay ng ilang mahihinang katok. She didn’t wait for long. Halos ilang saglit pa lang nang may nagbukas na ng p***o para sa kanya.

Nababalot man ng samu’t saring emosyon pero pinilit pa rin ni Megan na ngumiti sa lalaking nagbukas ng p***o. Ito ang lalaking kasama ni Killian na dumating kanina.

“Mrs. De Guzman told me t-that... that Mr. Virelli wants to talk with me,” wika niya sa mahinang tinig.

“Come in, Miss Megan,” saad nito sabay bukas pa nang maluwag sa p***o.

Hindi pa maiwasang magdikit ng mga kilay ni Megan nang humakbang na siya papasok sa opisina ng binata. The man said her name as if he really knew her. At iyon ay hindi lang dahil sa empleyado siya sa kompanyang iyon. Pakiramdam niya ay dati na siya nitong kilala.

Pero ano mang pagtataka ang nadama niya ay hindi na niya lubusan pang napagtuunan ng pansin. Nabaling na kasi ang atensyon niya sa lalaking nakatayo malapit sa salaming dingding--- si Killian.

Megan swallowed hard again. Huminto siya sa paglalakad ilang hakbang na lang mula sa executive desk ng binata. Hindi niya pa magawang iiwas ang kanyang paningin. Nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa binata na ngayon ay marahan na ring lumingon sa kanya.

Killian’s face was void of any emotion. Ni hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. He stared at her intently while standing with full authority.  Sa kanang kamay pa nito ay isang kopita na halos mangalahati na ang lamang alak.

“Leave us, Martin,” he instructed his man in a very serious tone.

“Yes, Sir,” tugon naman ng lalaking tinawag nitong Martin. Bago pa tuluyang lumabas ng opisina ni Killian ay lumapit pa muna ito sa mesa ng binata saka kinuha ang dalawang folder na puti na kung ano man ang nilalaman ay hindi niya alam. Malamang na tungkol iyon sa trabaho na kailangan nitong asikasuhin.

Matapos makuha iyon ay tuluyan nang nagpaalam ang lalaki. Naglakad na ito palapit sa p***o at halos mapapitlag pa si Megan nang kabigin na nito iyon pasara.

Ngayon ay sila na lamang dalawa ni Killian. Hindi niya pa alam kung paano kikilos sa harapan nito. Ang kaalaman pa lang na magkasama sila, nang silang dalawa lang, sa loob ng silid na iyon ay sapat na para magkagulo ang buong sistema niya. Matapos ng mga nangyari sa kanila noon, paano nga ba siya makakikilos sa harapan nito?

“A-Ang sabi ni Mrs. De Guzman, gusto... gusto mo raw akong makausap,” panimula niya, hindi pa maiwasang mautal.

Killian didn’t answer at once. Inubos pa muna nito ang alak na nasa kopita nito bago naglakad na palapit sa executive desk. Doon ay ipinatong nito ang pinag-inuman katabi ang bote ng alak na halos kabubukas pa lamang. Malamang na ang ininom pa lang ng binata ang bawas niyon.

Hindi niya pa mapigilang magtaka. Alam niyang umiinom naman talaga si Killian. Kahit nang magkasintahan pa lang silang dalawa ay alam na niya iyon. Ngunit kailanman ay hindi ito umiinom nang maaga. Sumagi pa nga sa isipan niya ang isang alaala noong tumutulong pa siya sa isang maliit na karinderya para lang makapag-aral siya. Mariin nitong tinanggihan ang alok na pag-inom ng kakilala niya at sinabing walang magagawa kapag inuna ang alak kaysa sa mga gawain.

Where was that Killian that she knew? Parang ibang-iba na ito ngayon.

Mayamaya pa ay bumalik na rito ang kanyang atensyon nang iusog nito palapit sa panig niya ang isang folder. Nabaling doon ang kanyang paningin at bago pa man siya makapagsalita ay nagwika na si Killian.

“Nakapaloob sa folder na iyan ang mga in-demand na kasuotan sa ibang bansa, especially in Italy,” panimula ni Killian. Ni hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito habang nagsasalita. Seryoso pa rin ito. “I want you to come up with series of designs close to that. I don’t mean for you to plagiarize those designs in that folder. Gawin niyo lang basehan sa kung ano ang kinakagat ngayon ng madla. Create something that will surpass those.”

Dahan-dahan nang lumapit si Megan at kinuha ang folder na ibinibigay nito. Binuklat niya na iyon at tiningnan ang sinasabi nitong mga disenyo ng damit nang maymaya ay muling nagwika ang binata.

“Why aren’t you using your husband’s name? Aren’t you married? Bakit Ortega pa rin ang gamit mo?”

Dahil sa sunod-sunod na katanungan ni Killian ay maang na napatitig ulit si Megan sa mukha nito. Muli niya pang naisara ang folder na hawak na niya at hindi malaman kung ano ang isasagot sa binata.

Out of nowhere, he asked those questions. Gusto niya pa tuloy isiping ipinatawag siya nito para lang itanong ang mga iyon. Ang folder kasing hawak niya ay katulad lamang din ng dinala ni Martin palabas ng opisina kanina. Pakiramdam niya ay naglalaman din ng mga disenyo iyon na ibibigay naman nito kay Moneth na katulad niya ay napili ni Killian para pangunahan ang proyektong iyon sa Empire Fashion House.

Bakit hindi na lang iniutos din ng binata sa tauhan nito ang pagbigay sa kanya ng naturang folder? Bakit ito pa mismo ang personal na kumausap sa kanya? Was it because he wanted to ask her those questions? Interesado pa rin ba ito sa personal niyang buhay?

Bahagya niyang naikiling ang kanyang ulo bago tumayo na nang tuwid ulit. Iwinaksi niya sa kanyang isipan ang waring pag-asang umahon mula sa kanyang dibdib. Paano pa ito magkakainteres sa kanya matapos ng mga nagawa niya rito noon? Alam niyang pagkasukkam na lang ang mayroon para sa kanya ang binata. Ano pa ang dahilan para magkainteres ito sa kahit anong tungkol sa kanya? Maybe he was just curious. Iyon lang.

“T-That... that is not related to our work,” sambit niya na naging dahilan para tumiim pa ang mukha ng binata.

One corner of his lips twisted upwardly because of what she said. It was a smirk... a dangerous smirk. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang isinagot niya.

“Maybe,” wika nito. “But I am your boss, Megan. If I ask you to do something, you will do it. If I ask you a question, you will answer.”

“Even it’s not work related?” matapang niyang balik dito.

Muli itong napaismid. Sa pagkakataong iyon ay sinalinan pa nito ng alak ang kopitang pinag-inuman kanina. Agad pa ang pagkunot ng kanyang noo nang makitang halos punuin nito iyon ng alak.

“D-Don’t you think that it’s too early for that?” aniya na ang tinutukoy ay ang pag-inom nito.

“What do you care?” he almost hissed at her. Umiinom na ito sa kopita nang sumagot siya.

“I-I just remember what you said before. Hindi mo gustong umiinom nang maaga dahil---”

Ano mang sinasabi niya ay hindi na niya natapos pa nang pabagsak na inilapag ni Killian ang kopitang iniinuman nito. Natapon pa ang alak sa mesa ng binata dahil doon.

Then, he looked at her sharply that Megan couldn’t stop the fear that crept into her. His stare was dangerous. Parang nagbabadya ng panganib.

“I am not the same man that you knew back then, Megan.”

Killian stepped closer to her as he said that. His voice was calm but with firmness. At gustuhin mang umatras ni Megan ay hindi niya magawa. Parang hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa makatayo sa mismong harapan niya ang binata.

“I-Is... is it because of what I did?” she asked in a barest whisper. Sa sobrang hina ng tinig niya, pakiramdam niya pa ay walang salitang lumabas mula sa kanyang lalamunan.

She wasn’t prepared for that conversation. Ni hindi pa nga siya nakababawi sa pagkabiglang naramdaman dahil sa muli nilang pagkikita, tapos hayun at nasundan na agad ng ganoong pag-uusap.

“You betrayed me and married another man. You expected me to remain the same?”

“K-Killian---”

“It’s Mr. Virelli to you,” mabilis nitong pagtatama sa kanya.

Parang nanikip ang dibdib ni Megan. May kung ano pang nagbara sa lalamunan niya sanhi para hindi siya agad nakasagot dito.

He really changed. And what she did before was the reason why he changed. At masisisi niya ba ito? Wala itong ginawang masama sa kanya. He even loved her so much that she felt like she couldn’t ask for more.

But what did she do in return? She left him and married Axel instead. Halos manariwa pa sa isipan niya ang mismong araw na iyon na halos magmakaawa sa kanya si Killian na mag-usap silang dalawa... na baka maaari pa raw nilang ayusin ang lahat.

But she didn’t listen to him. Sa halip ay pinagtabuyan niya ito at pinanindigan ang pagpapakasal sa ibang lalaki. If he only knew... if he only knew what really happened.

“The man you knew is dead, Megan. I buried him six years ago after you got married,” patuloy pa ni Killian sa pagsasalita. Lumapit pa ito sa kanya at malakas na lamang siyang napasinghap nang mahigpit nitong hawakan ang baba niya para pagtagpuin ang kanilang mga paningin. Then, in almost a whisper, he continued talking. “And believe me, sweetheart, I will make you regret the day that you decided to betray me.”

Pabalang nitong binitiwan ang baba niya na halos ikawala niya pa ng balanse. Nabigla kasi siya kaya muntikan pa siyang mapaatras. Maigi na lamang at agad din siyang nakabawi. Tuwid na siyang tumayo habang pilit pang pinipigilang manubig ang kanyang mga mata.

Megan didn’t want to cry in front of him. Ni hindi niya gustong makita nitong may nangingilid nang luha sa mga mata niya.

“Get out of my office and go back to your work,” mariin nitong utos pagkaraan ng ilang saglit. Naglakad na rin ito pabalik sa may swivel chair nito at hindi na siya tinapunan pa ng sulyap. It was as if she didn’t exist anymore in that room.

Doon na disimuladong hinamig ni Megan ang kanyang sarili. Bitbit ang folder na bigay ni Killian ay tuluyan na siyang lumabas ng opisina nito. But she didn’t obey what he said. Sa halip na bumalik na sa kanyang mesa at magpatuloy na sa pagtrabaho ay mas tinungo niya ang comfort room.

Agad na pumasok si Megan sa isa sa mga cubicle na naroon. Kahit pa pigilan niya ay hindi niya pa rin nagawa--- nagsiunahan na sa pagpatak ang mga luha niya. She couldn’t help it. Oo at siya ang nang-iwan dito noon pero kung alam lang nito kung ano ang mga pinagdaanan niya anim na taon na ang nakararaan... kung alam lang nito na lahat ng iyon, ginawa niya lang para rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 52

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Megan nang tuluyan niyang makaharap si Don Antonio Virelli, ang lolo ni Killian... ang matandang lalaking hiniling niyang sana ay hindi na nakamakatagpo pa. He was standing in front of her with so much authority that despite being old, anyone would still feel intimidated with him.Marahan nang hinamig ni Megan ang kanyang sarili at pilit na nagpakita ng katatagan sa harap nito. As much as possible, she didn’t want to show any fear and nervousness in front of him. Kahit pa, nang mga oras na iyon ay iyon ang nararamdaman niya.Don Antonio had the same effect on her. She would admit, something about him scared her. Marahil ay dahil na rin sa ginawa nito noon... dahil na rin sa pagmamanipula nito sa kanila noon.“Long time no see, Megan,” wika nito sa kanya sa kaswal ngunit may itinatagong diin sa tinig.“W-What... what do you need, Don Antonio? Why are you here?” magkasunod niyang tanong. Megan wanted to sound firm but she knew her voice cracked a littl

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 51

    Puno ng pag-aatubili ang bawat paghakbang ni Megan sa pasilyong patungo sa kanyang mesa sa Empire Fashion House. Panaka-naka rin ang paggala ng kanyang paningin sa kanyang paligid na wari bang natatakot na may makakita sa kanya. Sa kanyang kilos, daig niya pa tuloy ang may kasalanang nagawa at ngayon ay nangangambang may makakita sa kanya na mga kasamahan sa trabaho.Ngayon na lamang ulit nakapasok sa Empire Fashion House si Megan. Matapos ng mga nangyari ay muli niyang kinausap si Killian at iginiit dito ang kagustuhan niyang magpatuloy pa rin sa pagtatrabaho. Hindi pa sana sang-ayon ang binata. Kulang na lang ay huwag siya nitong palabasin sa bahay nito dahil sa labis nitong paghihigpit.At nauunawaan ni Megan kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ni Killian na manatili lamang sila ni Arabella sa poder nito. Ayaw nitong bumalik pa siya sa pagtatrabaho. Maging ang pag-aaral ng kanilang anak ay nais nitong gawin sa bahay lamang.But she disagreed. Hindi niya gusto ang home study

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 50

    Hindi mapigilang mapatiim-bagang si Killian matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Achilles. Ramdam niya pa ang pag-usbong ng galit mula sa kanyang dibdib dahil sa nais nitong mangyari.“Are you fvcking insane?” nangangalaiti niyang wika rito. “Julianna has nothing to do with the organization. Don’t drag her here, Achilles.”Mistulang hindi man lang nasindak sa galit na nakalarawan sa kanyang mukha at napaismid pa ang kanyang kaharap. “So, what do you suggest, Killian? Na basta na lang may kuning teritoryo mula sa inyo ang mga Fontana? You think that would solve everything?”“Nakasaad iyon sa kasunduan ng nakatatandang Virelli at Fontana,” saad niya rito. “Ako ang sumira ng kasunduan at handa akong isuko alin man sa mga teritoryong hawak namin. You can have it.”“Does being in love make you a dumb, Killian?” nanunuyang sambit nito sa kanya. “Sa tingin mo ba ay doon matatapos ang lahat? Na kapag may nakuha na kaming teritoryo ninyo ay sarado na ang kasunduang iyon? No, Killian. What

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   AUTHOR'S NOTE

    AUTHOR'S NOTE (11/01/26) I decided to create another series (kahit may ilang series pa akong kailangang tapusin. Hahaha!) So, yeah, that would include Killian and Megan's story. *DANGEROUS ROMANCE SERIES* Book 1: My Mafia Boss Ex Wants Revenge (Killian Virelli and Megan Ortega) Book 2: A Bride For A Ruthless Mafia King (Achilles Fontana and Julianna Mendoza) Nabanggit ko na rin si Gareth De Rossi, isa pang mafia boss sa ibang teritoryo. He's going to have his own story as well. Pero sa ngayon, huwag niyo muna silang hanapin. After My Mafia Boss Ex Wants Revenge, babalikan ko muna ang ibang series ko (His Heart Series at Savage Billionaire Series).... Soon pa lang po ito. Maraming salamat! ---Yvette Stephanie

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 49

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Megan dahil sa mga huling sinabi ni Killian. Mataman niyang pinagmasdan ang mukha nito upang hanapan ng senyales na hindi ito seryoso sa bagay na iyon. O na baka kinaringgan niya lang ang mga salitang binitiwan ng binata.But all her doubts vanished when he spoke again. Doon niya napagtanto na hindi nga ito nagbibiro at talagang gustong sa silid nito siya manatili.“This is Arabella’s room, Megan. While you, you are going to share room with me.”“W-Why would I?” parang wala sa sariling tanong niya rito.And her question made his lips to curve in a lopsided smile. Malamlam man ang ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan nila, hindi pa rin iyon naging hadlang para makita niya ang kaaliwang nakalarawan sa mukha nito.“Bakit hindi, Megan? We have done everything any couple could possibly do inside a room.”Agad niya itong pinanliitan ng mga mata. “You know we are not staying here for long, Killian.”Killian’s expression suddenly changed. The amusement was

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 48

    Sa loob ng ilang saglit ay hindi nakahuma sa kinatatayuan nito si Antonio. Maang lamang itong napatitig kay Killian at doon pa lang ay alam na niyang nasukol niya na ito. Alam niyang hindi nito inaasahang natuklasan na niya ang tungkol sa mga ginawa nito anim na taon na ang nakararaan.“What? You didn’t expect that I already know about it?” wika niya nang hindi pa rin ito umiimik.“I don’t know what you are talking about---”“Cut the bullshit!” bulyaw niya. Ni wala na siyang pakialam kung ito man ang kaharap niya. Maging ang presensiya ni Achilles ay hindi niya na rin alintana. Ang tanging umiiral na lamang sa isipan niya ay ang galit na sanhi ng mga nalaman niya.“I already know what you did six years ago, Lolo,” patuloy niya pa sa pagsasalita. “Kinausap mo si Megan, hindi ba? You forced her to stay away from me while I was here... locked in here. Hindi mo lang siya basta inilayo sa akin, Lolo. You married her off to someone else and made me believed that she betrayed me.”Antonio sw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status