Share

CHAPTER 3

last update Tanggal publikasi: 2026-08-18 11:54:09

“Hi, Ara!” masigla at natutuwang bati ni Kelly kay Arabella nang pagbuksan sila nito ng p***o ng apartment na tinitirhan nito at ni Axel.

Waring nasabik din na agad na yumapos ang kanyang anak kay Kelly. “Hi, Tita. Where’s Papa Axel?”

“Nasa trabaho na ang Papa Axel mo,” wika ng dalaga saka siya naman ang binalingan. “Tuloy ka muna.”

Megan smiled at her. Humakbang nga muna siya papasok sa tinitirhan ng mga ito. Agad siyang lumapit sa pahabang upuang gawa sa plastic rattan saka inilapag doon ang bag na naglalaman ng ilang gamit ni Arabella. May dala siyang ekstrang damit ng kanyang anak, ilang laruan nito at ang paborito nitong snacks na hindi niya nakalilimutang bilhin sa tuwing nagagawi siya sa supermarket.

“Here are her things,” saad niya, mas partikular para kay Kelly.

“Okay. Just put it there,” anito naman bago muling binalingan ang kanyang anak. “May inihanda akong almusal. Gusto mo bang kumain?” Kelly stopped talking for a while then looked at her as well. “How about you, Meg? Mag-almusal ka muna.”

“Thank you, Kelly, pero sa kompanya na ako mag-aalmusal. Kailangan ko na rin pumasok nang maaga ngayon.”

“Are you sure?” wika pa nito na sadyang sumulyap pa sa orasang nakasabit sa dingding ng mga ito. “May oras pa naman, Meg.”

She smiled at her genuinely. The truth was, Megan couldn’t find any reason to feel animosity towards Kelly. Ramdam niya rin naman kasing totoo ang lahat ng mga ipinapakita nito sa kanya. Maging ang pagkagiliw nga nito at pag-aasikaso kay Arabella ay alam niyang sinsero rin.

It was the reason why despite the kind of situation that they had, everything between them was going smoothly. Ang iba ay baka iba na ang isipin kapag nalamang ganoon siya kalapit sa kasintahan ng kanyang asawa.

Megan swallowed an imaginary lump in her throat. Well, hindi naman talaga sila naging mag-asawa ni Axel sa totoong kahulugan ng salitang iyon. Kung hindi lang dahil sa mga nangyari ay hindi siya maikakasal dito. Kung hindi lang dahil sa mga nangyari ay baka ito at si Kelly ang mag-asawa na sa mga sandaling iyon dahil ang mga ito naman talaga ang may relasyon.

“Some other time, Kelly. Baka sa susunod na weekend ay dumalaw na lang kami rito,” aniya na nang may ngiti pa rin sa mga labi. “Salamat sa pagpayag na bantayan lagi si Ara kapag nasa trabaho ako. I don’t know how to repay you and Axel for that.”

“You know you don’t have to do that,” maagap nitong sabi sa kanya. “Simula pa man noon ay tayo nang tatlo ang nagtutulungan, hindi ba? If not for that, baka hindi na natin alam kung ano ang gagawin dahil sa---”

Awtomatikong nahinto sa pagsasalita si Kelly nang mapagtantong naroon lamang sa malapit sa kanila si Arabella. If there’s one unwritten rule between them, that was to make sure Arabella would never know what happened back then. Napagkasunduan na nila iyong tatlo nina Axel. Matapos ng mga nangyari, sisiguraduhin nilang magkakaroon pa rin ng normal na buhay ang anak niya.

“I am sorry about that,” hinging paumanhin ni Kelly sa kanya.

“It’s okay, Kelly. Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya.” Isang ngiti pa ang iginawad niya sa dalaga bago niyuko na si Arabella na tahimik lamang na nagmamasid sa kanila ni Kelly. “So, iiwan na kita rito sa Tita Kelly mo. Mag-behave ka, okay? Babalikan kita mamaya pagkatapos ng trabaho ko.”

“Yes, Mama,” tugon ng anak niya sa inosenteng tinig.

She smiled at Arabella gently. Somehow, wala naman siyang naging problema sa pagpapalaki rito. They may not be rich but she has managed to provide for all her needs. Kung nagkataon mang nagkakaroon siya ng problemang pinansiyal ay nariyan sina Axel at Kelly. Tulad nga ng sinabi ng dalaga, silang tatlo na ang nagtutulungan simula pa man ng yugtong iyon ng buhay niya... yugto ng buhay niya na hindi niya maiwasang isipin na parang isang bangungunot.

“I really have to go,” mayamaya ay saad na niya kay Kelly. “Ngayon ang dating ng bagong presidente ng Empire Fashion House. Kailangang maaga kami sa kompanya.”

“Sure... sure, ako na ang bahala kay Ara,” wika naman ni Kelly na sadyang hinawakan pa ang kamay ng kanyang anak.

Isang ngiti pa nga ang iniwan niya sa dalawa bago tuluyan nang nagpaalam. Mula sa tinutuluyan ng magkasintahan ay sumakay na ng taxi si Megan patungo naman sa kompanyang pinagtatrabahuan niya.

That was their usual routine. Kung wala lang din pasok si Arabella ay inihahatid niya ito sa bahay nina Axel at Kelly. Ang dalaga na ang umaako ng pagbabantay sa kanyang anak, na minsan ay katulong pa ang kanyang asawa kung wala lang din itong trabaho.

May mga pagkakataon naman na ang mga ito ang naglalagi sa bahay nilang mag-ina para matingnan ang bata. They were helping each other ever since and somehow, Megan was thankful for that. Sa kabila ng mga nangyari noon ay gumagaan ang lahat dahil sa pagtulong sa kanya ng dalawa.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin si Megan sa Empire Fashion House. Halos magmadali pa siya paglalakad para makarating agad sa palapag na kinaroroonan ng kanyang mesa. Doon ay naabutan niya pang naghahanda na sina Lydia at ang iba pa nilang kasamahan. Agad pa nga siyang nilapitan ng kaibigan niya nang makita ang kanyang pagdating.

“Bakit ngayon ka lang, Meg? May memo na kailangan maaga tayo ngayon, hindi ba?” bungad agad nito sa kanya nang makalapit na siya sa kanyang mesa.

“Hinatid ko pa si Ara kina Axel at Kelly. Alam mo namang ang dalawa ang nagbabantay sa kanya kapag nasa trabaho ako,” imporma niya kay Lydia habang iginagala ang paningin sa kanilang paligid. Agad pang nagdikit ang kanyang mga kilay nang makita ang mga kasamahan nila. “W-What is happening?”

Hindi niya maiwasang magtaka. Naroon kasi sa may pasilyo ang mga kasamahan nila sa trabaho. Nakatayo na ang mga ito roon na wari bang may inaabangan na kung sino mang lalabas mula sa elevator.

“Have you forgotten? Ngayon ang dating ng bagong presidente ng Empire Fashion House. Mrs. De Guzman said he’s on his way,” wika sa kanya ni Lydia na agad na rin siyang hinatak palapit sa mga kasamahan nila sa trabaho.

Sa hulihang bahagi na sila pumuwesto ng kaibigan niya. Ang mga kasamahan naman nila ay hindi pa maiwasang magbulungan. Ang iba ay kababakasan na ng labis na pagkasabik na makita ang bago nilang big boss. Ang iba pa ay inaayos ang sarili na para bang naghahanda talaga sa pagdating ng kanilang bagong presidente.

Marahang hinamig na rin ni Megan ang kanyang sarili. Katabi niya lang si Lydia na hindi na rin mapalagay sa kinatatayuan.

“God, sana’y hindi istrikto ang bago nating boss,” bulong pa nito sa kanya na hindi na niya nagawa pang sagutin. Lumapit na kasi sa kanila si Mrs. De Guzman, ang kanilang senior designer at halos kanang kamay na ng dating presidente ng Empire Fashion House.

“Good morning, everyone. Get ready. Our new president is now in that elevator,” anito na sadyang itinuro pa ang elevator na kanina lang ay sinakyan niya rin para magtungo sa palapag na kinaroroonan nila. “He’s here!” anunsiyo pa nito na waring naging hudyat na para bumukas ang lift.

Megan, just like all her co-workers, readied herself. Sadyang gumuhit pa ang isang ngiti sa kanyang mga labi para batiin na ang bago nilang presidente. Naawat lamang siya at parang naipako sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ang lumabas mula sa elevator--- the man she didn’t expect to see again.

“Everyone, please greet our new president... the new owner of Empire Fashion House, Mr. Killian Virelli,” saad pa ni Mrs. De Guzman sa malakas na tinig.

Megan froze on her feet. Pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo niya pagkakita sa lalaking kahit isang saglit ay hindi man lang nawala sa isipan... at puso niya.

Si Killian... the man she had loved so much!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge   CHAPTER 29

    Tuluyan nang naglandas ang mga luha ni Megan sa kanyang mga pisngi matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Killian. Nakalakip sa tinig nito ang labis na hinanakit at galit na alam niyang laan para sa kanya. Dama niya rin ang diin ng pagkakadaiti ng noo nito sa kanyang noo na wari bang nagpipigil din ng labis na emosyon.And she wasn’t able to answer his question. How could she explain everything to him without putting Arabella’s life in risk? Alam ng Diyos na gustong-gusto niyang sabihin dito ang totoo... na gustong-gusto niyang ayusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa.But how could she ever do that without compromising her daughter’s safety? Baka malaman ni Don Antonio Virelli. Paano kapag may gawin itong hindi maganda kay Arabella? Siya nga ay walang pagdadalawang-isip nitong pinagbantaan ang buhay kung hindi niya susundin ang nais nitong mangyari noon, paano siya makasisiguro na wala itong gagawin sa anak niya?And that idea made her heart tightened. She was torn between telling

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge   CHAPTER 28

    Megan swallowed hard as she heard what Killian said. Tuluyan na itong naglakad palapit sa kanya na mas nagpadagdag pa ng pagkailang na nadarama niya. His whole presence was enough for her to feel uneasy. At gustuhin niya mang umiwas dito ay hindi na niya nagawa. Nakalapit na ito sa kanya at agad nang hinawakan ang baba niya saka pilit na pinagtagpo ang kanilang mga paningin.“I didn’t force you on this, Megan,” wika nito sa mariing tinig. “I gave you time to think and here you are, telling me you are accepting my offer. Whatever my rule... whatever payment I ask you, you’ll do it. So, tell me, are you really into this?”“T-The payment, is it really... is it really---” Hindi niya matapos-tapos ang nais niyang sabihin. Ni hindi niya pa alam kung ano ang tamang salitang bibitawan.At dahil nga hindi siya makapagsalita ay napaismid na lamang si Killian. Wari bang ikinaaliw pa nito ang pagkautal niya.“What? You mean fvcking?” he said without hesitating to use the F word. Para bang hindi n

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge   CHAPTER 27

    Kahihinto pa lang ng kotseng sinasakyan ni Megan nang igala na niya ang kanyang paningin sa harap ng establisyementong nasa kanilang harapan. Hindi pa siya kailanman nakapasok sa ganoong lugar at ngayon nga ay hindi niya pa maiwasang kabahan sa kung ano ang makikita niya sa loob niyon--- ang Velvet Room Bar, ang bar kung saan ayon kay Killian ay magkita silang dalawa.Wala na ngang napagpilian si Megan kundi ang tawagan ang binata. Hindi niya sana nais pumayag sa inaalok nito. Kailanman ay hindi niya nakita ang kanyang sariling ibebenta niya ang kanyang katawan sa isang lalaki, kahit pa ang lalaking iyon ay minsan nang naging parte ng buhay niya.But she didn’t have any choice. Kung nais niyang makalikom agad ng kabuuang halagang kakailanganin niya para sa operasyon ni Arabella, si Killian lang ang malalapitan niya. He had the money and the connection that could give her daughter the best surgeon.Dahilan nga iyon para pikit-mata niya na lamang na tinanggap ang alok nito kahit na hind

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge   CHAPTER 26

    Nanlaki ang mga mata ni Megan nang marinig niya ang mga sinabi ni Killian. Gusto niya pang isiping kinaringgan niya lamang ang mga binitiwan nitong salita. O hindi kaya ay isang biro lamang iyon at agad din naman nitong babawiin ang mga sinabi.But Megan knew that it was impossible for him to joke like that. Sa uri na ng relasyong mayroon sila ngayon... sa galit na mayroon ito para sa kanya, isang himala kung magbitaw pa ito ng isang biro. Idagdag pang ang uri ng ekspresyong mayroon ngayon sa mukha ng binata ay hindi man lang nagbabadyang nagbibiro nga ito. His expression was so serious while he was looking down at her as if waiting for what she would say.Megan slightly opened her mouth to speak, then closed it again as if she didn’t know what to say.“What?” he snapped at her impatiently. “You know I am a busy man, Megan. Don’t waste my time so answer me.”“A-Are you insane?” tanging naitanong niya sa kawalan ng masabi.Bagay iyon na muling nagpatikwas pataas ng isang sulok ng mga l

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge   CHAPTER 25

    “Megan...”Mula sa pagkakayuko ay agad na napalingon si Megan nang marinig niya ang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. Napatayo na rin siya nang tuwid saka hinintay na makalapit nang tuluyan sa kanya ang bagong dating.It was Axel. Halos lakad-takbo pa nga ang ginawa nito para lang makarating sa kinatatayuan niya.“W-What happened? Nasaan na si Arabella?” magkasunod nitong tanong sa kanya.“N-Nasa loob pa,” sagot niya sabay turo pa sa direksyon ng emergency room. “Baka ilipat na rin siya ng silid.”“Ano ba ang nangyari? Nang sabihin mong narito kayo ay agad na akong nagpaalam sa trabaho,” imporma pa nito sa kanya na agad niyang ikinangiti kahit na hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata.Kanina nga ay tinawagan niya ang kanyang ‘asawa’ para ipaalam dito ang nangyari kay Arabella. Maging ang ospital na kinaroroonan nila ay nabanggit niya na rin dito.Hindi niya inobligang magtungo roon si Axel. She just wanted to inform him of what happened to her daughter. Maliban sa legal pa rin

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge   CHAPTER 24

    Agad na hinamig ni Megan ang kanyang sarili nang marinig niya ang tinig ni Killian. Pinahid niya rin ang mga luhang pilit na kumawala mula sa kanyang mga mata bago sinagot ang tanong nito.“M-My daughter had an accident in her school,” wika niya sa mahinang tinig. Kinaringgan pa ng labis na pag-aalala ang boses niya. “I know this is a very important meeting, Mr. Virelli, but can I take the rest of the day off? I really need to go to the hospital.”Hindi siya sigurado kung papayagan siya nito. They weren’t in good terms. Baka sa halip na pagbigyan siya nito ay tuluyan pa siyang alisin ng binata sa kanyang trabaho.Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon. Ang tanging nasa isipan niya lamang ay ang mapuntahan na si Arabella at malaman kung ano ang kalagayan nito.“I-I would understand if you won’t agree---”Megan stopped in midsentence when abruptly, Killian walked towards her. Agad nitong hinawakan ang kanang palapulsuhan niya saka siya iginiya sa paglalakad. Nataga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status