Mag-log inHalos dumoble ang bilis ng kabog sa dibdib ni Megan habang para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Ni hindi niya magawang makakilos at mataman na lamang na napatitig sa lalaking bagong dating... sa lalaki na siyang bago nilang presidente sa Empire Fashion House, si Killian.
It had been six years since she last saw him. Matapos ng mga nangyari ay wala na siyang nabalitaan tungkol sa binata maliban sa ang alam niya’y nagtungo na ito sa Italya nang maghiwalay sila.
He left and Megan knew very well that the moment he went out of the country, he was so full of hatred for her. Kitang-kita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito nang araw na ikasal sila ni Axel. He hated her, at kung posible lang sigurong masaktan siya nito nang araw na iyon ay ginawa na ng binata.
Binata...
Megan swallowed hard. Anim na taon na ang lumipas. Binata pa nga kaya ito? With his look and status in life, she knew it was easy for him to find someone again. Ayon pa nga sa abuelo nito nang huli niyang makausap ay nakatakda ring ikasal si Killian. Did it happen? May pamilya na rin kaya ito?
“Good morning, everyone,” narinig na niyang bati ni Killian sanhi para mapayuko na siya sabay hamig sa kanyang sarili.
Tumugon din ng pagbati ang mga kasamahan niya na halos lahat ay may mga ngiti sa mga labi. Siya lang yata ang bukod tanging hindi nakapagsalita at nakayuko pa nga. Seeing Killian again after six long years, made her stopped in her tracks. Hindi niya alam kung paano kikilos ngayong kaharap niya ulit ito.
At ang pananahimik niyang iyon ay hindi niya inaasahang mapupuna ng binata. Napaangat na lamang siya ng kanyang ulo nang mapansin niya ang pagtahimik ng mga tao sa paligid niya. It was only then when she realized that all of them were staring on her now... including Killian.
Nagtagpo pa nga ang kanilang mga paningin at hindi nakaligtas kay Megan ang isang emosyong nakasalamin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung napuna man iyon ng mga kasama nila ngunit siya, hindi iyon naikubli ng binata sa kanya.
It was contempt... hatred. And seeing those emotions in his eyes, one realization hit her--- he still hated her. Anim na taon ang lumipas pero hindi iyon nawala kay Killian.
And could she blame him? Sa bigat ng kasalanang nagawa niya rito, nauunawaan niya kung hanggang sa mga sandaling iyon ay kinamumuhian pa rin siya nito.
Hanggang sa mayamaya ay napatayo na lamang nang tuwid si Megan nang magsimulang maglakad palapit sa kinatatayuan niya si Killian. Halos mabalot siya ng pagkailang. Naglalakad ito habang hindi siya hinihiwalayan ng tingin kaya nasisiguro niyang siya ang sadya nito.
As he stopped in front of her, he grabbed without any warning the ID that she was wearing. Ang ginawa nito ay naging dahilan pa para malakas siyang mapasinghap. Halos mahila kasi siya palapit sa binata dahil na rin sa paghila nito sa ID na nakasukbit sa kanyang leeg.
“Miss Ortega,” wika ni Killian sa baritonong tining. He said her name as if he didn’t know it. Hindi niya alam kung palabas lang nito iyon upang hindi malaman ng lahat na magkakilala na sila... o sadyang para rito, kinalimutan na nito ang lahat tungkol sa kanya?
“Any problem with my presence?” tanong pa nito sabay bitaw na sa kanyang ID.
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Megan. Hindi niya pa maiwasang tingnan ang mga kasamahan niya sa trabaho. Lahat ay sa kanya na nakatitig. Si Lydia ay may nag-aalala pang ekspresyon sa mukha na waring nababahala sa nangyayari.
“N-Nothing, Sir,” halos pabulong niyang sambit dito.
“Among everyone here today, you were the only one who didn’t greet me. Care to tell me why?” tanong nito kahit pa alam ni Megan na alam nito kung ano ang dahilan.
She was shocked seeing him again. Matapos ng mga nangyari noon, hindi niya inakalang sa ganoong sitwasyon sila muling magkikita. Not just that. Ito na ang magiging boss niya at isa lang ang ibig sabihin niyon--- they would see each other often from now on.
Sa halip nga na sagutin pa ang tanong nito ay binati na lamang ito ni Megan sa mahinang tinig. “G-Good morning, Sir.”
“I can’t hear you,” he said in a very firm voice.Dama na ni Megan ang pagkapahiya sa harap ng mga kasamahan niya sa trabaho. She felt humiliated and she knew Killian was doing that in purpose.
“Good morning, Sir,” ulit niya sa mas malakas nang tinig.
Hindi na nagsalita pa si Killian ngunit nanatili pa rin itong nakatayo sa mismong harapan niya. Halos gusto niya na lang lumubog sa sahig dahil sa mga nangyayari. Alam niya namang sinasadya nito iyon hindi dahil hindi niya ito binati, kundi dahil sa nakadarama pa rin ito ng galit sa kanya.
Hanggang sa mayamaya ay marahan nang inayos ni Killian ang necktie ng suot nitong business suit. Dahan-dahan na rin itong naglakad pabalik sa kinatatayuan nito kanina habang isa-isa pang binibigyan ng tingin ang lahat ng kasamahan niya na pawang ay natahimik dahil sa nangyari.
Nang nasa unahan na ulit ito ay nagsalita na ito sa tinig na puno ng awtoridad. “Let me introduce myself properly. I am Killian Virelli, the new president of Empire Fashion House. From now on, all transactions, everything that will happen in this company will be evaluated by me. I want this fashion house to be known more, not just here in the Philippines but also abroad.”
Megan stared at him intently. Kung hindi niya lang alam na si Killian Virelli nga ang kaharap nila ngayon ay iisipin niyang ibang tao na ang binata. Napakalayo na kasi nito kung ikukumpara sa lalaking nakilala niya noon... sa lalaking naging kasintahan niya noon.
Everything about him changed. Naroon pa rin ang pagiging magandang lalaki nito na pakiramdam niya nga ay mas umangat pa sa kabila ng mga taon na nadagdag sa edad nito. Ngunit ang paraan ng pananamit nito, ng pagsasalita at pagkilos nito, lahat ng iyon ay ibang-iba na kaysa sa Killian na nakarelasyon niya anim na taon na ang nakalilipas.
“So, as the new president of Empire House, I want to launch a new set of designs that will trend on the market. We will set a fashion show to showcase these new designs. And I want it to happen two months from now.”
Nagkaroon ng bulung-bulungan mula sa mga kasamahan niya sa trabaho. Nasabi na sa kanila ni Mrs. De Guzman ang tungkol sa planong iyon ng bago nilang presidente. Ngunit hindi nito naipaalam na ganoon kaikling panahon lamang ang ibibigay sa kanila.
Nagawa na rin nila iyon noon. Hiningan na rin sila ng dati nilang presidente ng mga bagong designs ng damit na ilalabas nila sa merkado. But the instruction was given to them ahead of time. Binigyan sila ng sapat na panahon para makapag-isip ng mga bagong disenyo at magawa ang mga iyon bilang mga damit na talaga.
Pero si Killian ay binibigyan lang sila ng dalawang buwan? Alam ba nito kung gaano kahirap mag-isip ng mga bagong disenyo ng damit na magugustuhan ng mga tao? Those designs should be approved by him first. Pagkatapos ay kakailanganin pa nilang tahiin upang magawang damit talaga ang mga iyon.
Tapos ay dalawang buwan lang ang ibibigay nito bago ang iniisip nitong fashion show?
“M-Mr. Virelli, don’t you think we’ll run out of time? I-I mean, two months won’t be enough to do everything for---”
“So, this is how all of you work?” mabilis na sabat ni Killian sa pagsasalita ni Mrs. De Guzman. “I’ve been working with a lot of big companies in Italy, Mrs. De Guzman. Deadlines are always like this. Walang kailangang sayangin na oras. Kapag mas pinatagal, mas may tiyansang mawala ang oportunidad.”
Mariing napalunok si Megan dahil sa mga sinabi ng binata. He had said that before. Isang pangyayari pa nga sa nakaraan ang sumagi sa isipan niya kung saan sinabi rin iyon ng binata--- it was when they were talking about marriage. It was when he told her he wanted to marry her. Hindi raw nito gustong patagalin dahil kung maghihintay pa ito nang matagal ay mas mawawala ang oportunidad na maging asawa siya nito.
And yes, that opportunity was gone. Sa ibang lalaki siya nagpakasal!
Wala na ngang nagawa si Mrs. De Guzman kundi ang tumango na lamang. Hindi na ito umangal pa kahit pa ramdam ni Megan na maging ang senior designer nila ay alam na waring kulang ang dalawang buwan para maihanda ang lahat bago ang isang fashion show na balak ilunsad ni Killian.
Mayamaya pa ay muli nang humarap sa kanila ang binata. Hindi man lang nagbabago ang ekspresyon nito sa mukha. Seryoso pa rin iyon at nang mapabaling ulit ang paningin nito sa kanya ay mistula bang naningkit pa ang mga mata nito.
“With this project, I will divide you into two groups. Each group should present me series of designs. Whoever got the highest sale within a month after the fashion show will receive a high compensation. I could also give you bonuses if this project would succeed.”
Muling nagbulungan ang iba nilang kasamahan. Ang iba ay parang nasabik pa matapos sabihin ni Killian ang tungkol sa bonus na maaari nilang matanggap.
“You will be the leader of the first group,” narinig niyang sabi ni Killian sabay turo kay Moneth, ang isa sa matagal niya na ring kasamahan sa trabaho na madalas ay nakakairingan nila ni Lydia dahil sa mga disenyong inilalabas nila. “And you, Miss Ortega will lead the second group.”
Marahang napasinghap si Megan matapos nitong banggitin ang pangalan niya. He was also staring at her intently as he said her name. Kung ilang saglit na tumagal ang paninitig ni Killian sa kanya ay hindi na niya alam. Ang sigurado niya lang, nakalakip sa bawat titig nito ang galit na hindi nakaliligtas sa kanyang paningin. Maaaring hindi iyon pansin ng iba, pero siya’y nakikita iyon.
“You may now go back to your work. I will talk to you again soon,” pinal na sabi ni Killian bago binalingan na si Mrs. De Guzman. “Show me my office, Mrs. De Guzman.”
Tumango na nga ang head designer nila saka inilahad na ang kamay upang ituro ang daan kay Killian. Nagpatiuna nang naglakad ang binata kasunod si Mrs. De Guzman at ang isang lalaki na sa hinuha niya ay ang kanang kamay nito.
Nang makatalikod na ang mga ito ay waring doon lang nailabas ni Megan ang isang buntonghiningang kanina niya pa pinipigilan. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili kahit pa parang ang hirap gawin. Ang isipin pa lang na nagkita sila ulit ng dati niyang kasintahan ay labis nang nagpabulabog ng buong sistema niya. Dumagdag pa roon ang kaalamang ito na ngayon ang bago niyang boss.
“Are you okay, Meg?” nag-aalalang sabi ni Lydia sa kanya.
Tipid na munang ngumiti si Megan bago naglakad na palapit sa kanyang mesa. Sinundan siya ng kaibigan niya habang ang iba nilang kasamahan sa trabaho ay bumalik na rin sa kanya-kanyang mesa ng mga ito.
“I-I am fine, Lydia. Medyo... medyo na-intimidate lang ako kay Ki... kay Mr. Virelli,” aniya na nagkunwari pang abala sa pag-aayos ng mga gamit niya sa ibabaw ng kanyang mesa.
“My gosh, he is hotter and handsomer in personal than in photo. Pero tama ka, sobrang nakaka-intimidate. Mas istrikto pa kaysa sa dati nating boss. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ay malaki ang magiging pagbabago rito sa Empire House.”
Hindi nakapagsalita si Megan. Nanatili siyang nakayuko sa kanyang mesa at pinagpatuloy ang pag-aayos doon ng kanyang mga gamit kahit na hindi naman makalat ang mga iyon. Hindi kasi siya mapanatag. Ngayong nagkita na ulit sila ni Killian, ano ang mangyayari? Just like what Lydia said, mukhang malaki ang magiging pagbabago, hindi lang doon sa kanilang trabaho... kundi maging sa kasalukuyan niyang buhay.
“Megan...”
Mayamaya ay napaangat ng kanyang ulo si Megan nang marinig ang pagtawag na iyon ni Mrs. De Guzman. Halos lakad-takbo pa ang ginawa nitong paglapit sa kanyang mesa. Mukhang naihatid na nito sa opisina si Killian at ngayon ay mistulang may sasabihin sa kanya.
“Y-Yes, Ma’am?” sambit niya.
“Mr. Virelli wants you to go to his office now. Gusto ka niyang makausap.”
Agad na napaupo nang tuwid si Megan dahil sa mga narinig.
“Dahil ho ba sa nangyari kanina? Sa hindi pagbati ni Megan?” singit naman ni Lydia.
“Hindi ko alam. He didn’t say anything,” Mrs. De Guzman answered.
Megan swallowed hard. Ngayon lang sila ulit nagkita ni Killian matapos ang anim na taon pero bakit pakiramdam niya ay nagulo na agad lahat sa kanya dahil sa presensiya nito? Paano niya ito haharapin ngayong alam niyang sa opisina nito ay silang dalawa lamang ang mag-uusap?
“She is a Virelli, Megan. Hindi ba’t nararapat lang na mamuhay siya sa uri ng mundong mayroon ang mga Virelli,” wika ni Don Antonio kay Megan na agad nagpaahon ng labis na galit sa kanyang dibdib.Naroon pa rin sila sa Empire Fashion House at kaharap niya pa rin ang matandang lalaki. Napunta na nga kay Arabella ang usapan nila at halos mapatiim-bagang pa siya dahil sa mga sinabi nito.He already knew about her daughter. Hindi na niya pagtatakhan kung paano pa iyon nalaman ng matandang lalaki. Alam niyang kinompronta ito ni Killian tungkol sa mga nagawa nito anim na taon na ang nakararaan. Nasisiguro niyang nabanggit na rito ng binata ang tungkol sa kanilang anak.And now, Antonio was telling her that Arabella should live as a Virelli. Nais nitong kalakihan ng anak niya ang uri ng buhay na mayroon ang pamilya nito? Ang mamuhay sa organisasyong kinabibilangan ng mga ito? Ang lumaking waring normal na lamang ang karahasan at iba pang illegal na gawain?“No,” seryoso at puno ng diin na sa
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Megan nang tuluyan niyang makaharap si Don Antonio Virelli, ang lolo ni Killian... ang matandang lalaking hiniling niyang sana ay hindi na nakamakatagpo pa. He was standing in front of her with so much authority that despite being old, anyone would still feel intimidated with him.Marahan nang hinamig ni Megan ang kanyang sarili at pilit na nagpakita ng katatagan sa harap nito. As much as possible, she didn’t want to show any fear and nervousness in front of him. Kahit pa, nang mga oras na iyon ay iyon ang nararamdaman niya.Don Antonio had the same effect on her. She would admit, something about him scared her. Marahil ay dahil na rin sa ginawa nito noon... dahil na rin sa pagmamanipula nito sa kanila noon.“Long time no see, Megan,” wika nito sa kanya sa kaswal ngunit may itinatagong diin sa tinig.“W-What... what do you need, Don Antonio? Why are you here?” magkasunod niyang tanong. Megan wanted to sound firm but she knew her voice cracked a littl
Puno ng pag-aatubili ang bawat paghakbang ni Megan sa pasilyong patungo sa kanyang mesa sa Empire Fashion House. Panaka-naka rin ang paggala ng kanyang paningin sa kanyang paligid na wari bang natatakot na may makakita sa kanya. Sa kanyang kilos, daig niya pa tuloy ang may kasalanang nagawa at ngayon ay nangangambang may makakita sa kanya na mga kasamahan sa trabaho.Ngayon na lamang ulit nakapasok sa Empire Fashion House si Megan. Matapos ng mga nangyari ay muli niyang kinausap si Killian at iginiit dito ang kagustuhan niyang magpatuloy pa rin sa pagtatrabaho. Hindi pa sana sang-ayon ang binata. Kulang na lang ay huwag siya nitong palabasin sa bahay nito dahil sa labis nitong paghihigpit.At nauunawaan ni Megan kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ni Killian na manatili lamang sila ni Arabella sa poder nito. Ayaw nitong bumalik pa siya sa pagtatrabaho. Maging ang pag-aaral ng kanilang anak ay nais nitong gawin sa bahay lamang.But she disagreed. Hindi niya gusto ang home study
Hindi mapigilang mapatiim-bagang si Killian matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Achilles. Ramdam niya pa ang pag-usbong ng galit mula sa kanyang dibdib dahil sa nais nitong mangyari.“Are you fvcking insane?” nangangalaiti niyang wika rito. “Julianna has nothing to do with the organization. Don’t drag her here, Achilles.”Mistulang hindi man lang nasindak sa galit na nakalarawan sa kanyang mukha at napaismid pa ang kanyang kaharap. “So, what do you suggest, Killian? Na basta na lang may kuning teritoryo mula sa inyo ang mga Fontana? You think that would solve everything?”“Nakasaad iyon sa kasunduan ng nakatatandang Virelli at Fontana,” saad niya rito. “Ako ang sumira ng kasunduan at handa akong isuko alin man sa mga teritoryong hawak namin. You can have it.”“Does being in love make you a dumb, Killian?” nanunuyang sambit nito sa kanya. “Sa tingin mo ba ay doon matatapos ang lahat? Na kapag may nakuha na kaming teritoryo ninyo ay sarado na ang kasunduang iyon? No, Killian. What
AUTHOR'S NOTE (11/01/26) I decided to create another series (kahit may ilang series pa akong kailangang tapusin. Hahaha!) So, yeah, that would include Killian and Megan's story. *DANGEROUS ROMANCE SERIES* Book 1: My Mafia Boss Ex Wants Revenge (Killian Virelli and Megan Ortega) Book 2: A Bride For A Ruthless Mafia King (Achilles Fontana and Julianna Mendoza) Nabanggit ko na rin si Gareth De Rossi, isa pang mafia boss sa ibang teritoryo. He's going to have his own story as well. Pero sa ngayon, huwag niyo muna silang hanapin. After My Mafia Boss Ex Wants Revenge, babalikan ko muna ang ibang series ko (His Heart Series at Savage Billionaire Series).... Soon pa lang po ito. Maraming salamat! ---Yvette Stephanie
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Megan dahil sa mga huling sinabi ni Killian. Mataman niyang pinagmasdan ang mukha nito upang hanapan ng senyales na hindi ito seryoso sa bagay na iyon. O na baka kinaringgan niya lang ang mga salitang binitiwan ng binata.But all her doubts vanished when he spoke again. Doon niya napagtanto na hindi nga ito nagbibiro at talagang gustong sa silid nito siya manatili.“This is Arabella’s room, Megan. While you, you are going to share room with me.”“W-Why would I?” parang wala sa sariling tanong niya rito.And her question made his lips to curve in a lopsided smile. Malamlam man ang ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan nila, hindi pa rin iyon naging hadlang para makita niya ang kaaliwang nakalarawan sa mukha nito.“Bakit hindi, Megan? We have done everything any couple could possibly do inside a room.”Agad niya itong pinanliitan ng mga mata. “You know we are not staying here for long, Killian.”Killian’s expression suddenly changed. The amusement was







