CHAPTER 15 "Magda, bring my granddaughter to the room of your senyorita Amanda," sambit ni Dad. "Opo, Senior," magalang na sagot ng katulong. Lumapit si Magda kay Angel at ngumiti. "Halika, Little Miss." Napatingin sa akin si Angel. "Go ahead, anak. May pag-uusapan lang kami ng Grandpa at Grandma mo." Tumango siya. "Okay po, Mommy." Bago siya tuluyang sumama kay Magda, hinawakan ko muna ang kanyang kamay. "Don't worry, anak. Susunod ako." Ngumiti siya at saka sumunod kay Magda papunta sa aking dating kwarto. Nang tuluyang mawala sila sa aming paningin, bumalik ang katahimikan sa sala. Umupo kami nina Mom at Dad sa malaking sofa. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Napansin iyon ni Mom. "Amanda, anong nangyari?" Napayuko ako. "Mom... Dad..." Huminga ako nang malalim. "May malaking bagay akong nalaman tungkol sa nangyari labindalawang taon na ang nakalipas." Napatingin sa akin si Dad. "May kinalaman ba ito kay Dante?" Tumango ako. "
Dernière mise à jour : 2026-09-07 Read More