LOGINSERAFINA'S POV
I stayed in the garden for a few more minutes. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Unfortunately, hindi ganoon kadaling mawala ang inis ko. I was still furious. Pero at least, wala rito si Enzo, wala rin si Tiana. At ang pinakamahalaga, walang nakakakita sa akin na gusto ko nang ihagis ang asawa ko sa swimming pool. Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumalik sa ballroom. I had to remember my role. I am Serafina Carvajal, the quiet and obedient wife. The woman who never complained and always did exactly what her husband told her to do. At least… Iyon ang alam nila. Because if they knew what was actually running through my head. I was pretty sure someone would call an exorcist. Pagpasok ko ulit sa ballroom, sinalubong ako ng ingay ng mga bisita. May mga nagtatawanan. May mga nag-uusap tungkol sa negosyo. May ilang babae namang abala sa pagkuha ng litrato at abala rin sa payabangan sa mga materyal na bagay na mayron sila. I was about to return to Enzo's side when something caught my attention or rather.. someone. Huminto ako. May isang lalaki sa kabilang bahagi ng ballroom. Hindi ko agad maalis ang mga mata ko sa kanya. Well, that was unexpected. Hindi ko naman siya kilala, pero kahit hindi ko alam kung sino siya, hindi ko maikakailang napansin ko agad ang presensya niya. Matangkad siya. Hindi iyong ordinaryong matangkad lang. He had the kind of height and build that made the people around him seem smaller without him even trying. Maayos ang tindig niya, relaxed pero hindi casual. Suot niya ang isang dark suit na mukhang custom-made para sa katawan niya. Hindi iyon sobrang fitted, pero sapat para mapansin ang lapad ng balikat at ang athletic build niya. Okay. Infairness... I tilted my head slightly. Who is that? Hindi ko man makita nang malinaw mula sa kinatatayuan ko, pero halata namang hindi ordinaryong tao ang lalaking iyon. Hindi siya maingay. Hindi siya nakikipagtawanan. Hindi rin siya mukhang interesado sa kung ano mang nangyayari sa paligid niya. Nakatayo lang siya roon habang may kausap na ilang lalaki, pero sa tuwing gumagalaw siya... People noticed. Napansin ko ang ilang babaeng palihim na tumitingin sa kanya at mukhang hindi ako ang nag-iisang nakatitig sa kanya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit. Maybe because he was handsome. No, scratch that. He is very handsome. Mula sa malayo, halatang masculine ang features niya, sharp, defined, hindi iyong tipong pretty boy. May kakaibang appeal sa mukha niya, isang bagay na hindi nangangailangan ng ngiti para mapansin. At nang bahagya siyang lumingon. Oh. My. God. Napakurap ako. Okay, that face should come with a warning. His dark hair was neatly styled, though a few strands rested naturally against his forehead, his jaw was sharp, his nose straight. At kahit hindi siya nakangiti, may kung anong dangerous charm sa paraan ng pagkakatingin niya sa paligid. Hindi ko maipaliwanag. But some people carried a presence so commanding that even in silence, the entire room seemed to revolve around them. Ganito ang dating niya. Hindi siya kailangang magsalita nang malakas. Hindi niya kailangang ipakita kung gaano siya kayaman. Hindi niya kailangang gumawa ng kahit ano. He simply existed. And somehow… Everyone noticed. Including me. Wow, sinong nagpa-unlock ng ganitong character? Akma kong ibabaling ang tingin sa iba nang may narinig akong bulungan mula sa grupo ng mga babaeng nakatayo malapit sa akin. “Is that really him?” Agad akong napatingin sa kanila. Ang mga mata nila ay nakatuon sa lalaking kanina ko pa pinagmamasdan. “That’s Cassius Aristotle.” Bigla akong nanigas. Wait. What? “That famous trillionaire tycoon?” tanong ng isa. Tumango ang babae. “Himself. Cassius Aristotle.” “He looks even better in person.” “Of course, he does.” “He's the most powerful business tycoon in the country.” “And the richest.” “Imagine having that much money.” “Imagine having him.” Nagkatinginan ang mga babae bago nagtawanan. Pero ako? Hindi ako makagalaw. Cassius Aristotle. Slowly, I turned my head toward the man again. And suddenly, I remembered. Oh, no wonder. No wonder he looked familiar. No wonder his presence felt different. No wonder I had this strange feeling that I had seen that face before. Because I had. Inside the novel. Cassius Aristotle, the villain. Nanlaki ang mga mata ko. The villain is hot. I immediately mentally slapped myself. Serafina! Priorities! That was him. The ruthless villain of The Betrayed Wife. The business tycoon everyone feared. The man who controlled a massive empire and had businesses in almost every major industry. And most importantly, Enzo Carvajal's greatest business rival. Natatandaan kong nabasa ko ang tungkol sa kanya. Cassius wasn't the male lead. He wasn't supposed to save anyone. He wasn't supposed to get a happy ending. He was the villain, the cold, ruthless and dangerous man in the novel. The kind of man who would destroy another company before breakfast and probably drink expensive coffee afterward. According to the novel, he was the biggest obstacle to Enzo's success. Their companies had competed for years. Business deals. Investments. Properties. Everything. Cassius Aristotle always seemed to be standing on the opposite side. And yet… I looked at him again. The author forgot to mention something. The villain was ridiculously handsome. Honestly, if I were the author... I would have made him the male lead. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal. Kaya naman nang lumingon siya sa direksyon ko. Nahuli niya ako. Nagkabanggaan ang mga mata namin. Saglit kong napigilan ang paghinga. For one strange second, everything around me seemed to disappear. His eyes were dark, steady and intensely focused. Not warm. Not friendly. Just… Penetrating. Parang isang tingin lang niya, kaya niyang malaman kung ano ang iniisip ko. My heart suddenly beat faster. What the hell? Agad kong inalis ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because I wasn't supposed to be staring at him. Or maybe because there was something unnerving about being noticed by the villain of the novel. Whatever it was... Ayoko nang malaman. I was already married. Technically. At higit sa lahat, mayroon na akong sapat na problema. I was trapped inside a ridiculous novel. I had a cheating husband. May kabit ang asawa ko. And apparently, puwede akong parusahan ng story kapag hindi ko sinunod ang plot. I definitely didn't need a ridiculously handsome villain adding complications to my life.SERAFINA'S POV Hindi nagtagal, pumasok kami sa isang pribadong suite sa loob ng Velvet Noir.Pagkabukas pa lang ng pinto, napanganga na ako.“OH. MY. GOD!” sabi ko sa isip.Napakaganda ng kuwarto!Luxury suite talaga ang peg. May warm golden lighting na nagbibigay ng romantic na atmosphere, dark wooden panels sa mga dingding, at makapal na velvet curtains na nakapalibot sa malalaking bintanang tanaw ang kumikislap na mga ilaw ng lungsod.Sa gitna ng kuwarto ay naroon ang isang malaking king-sized bed na may malinis na puting bedsheets at malalambot na unan. Sa tabi nito ay may eleganteng bedside lamps, habang sa kabilang bahagi naman ay may velvet couch at marble coffee table.Pero ang pinakamabilis kong napansin ay ang nasa ibabaw ng mesa. Isang bote ng champagne na nakalagay sa ice bucket. Dalawang crystal glasses. Isang malaking platter ng hiniwang prutas - strawberries, grapes, melon, at mangoes - kasama ang iba't ibang pastries na napakagandang tingnan.Napahawak ako sa dibdib k
SERAFINA'S POV“I don't want to go home! I'm still enjoying the night!”Napamulagat ako nang maramdaman kong wala na ako sa loob ng Velvet Noir.Wait. Bakit nasa labas na kami? At bakit nasa bisig ako ni Cole?Napalingon ako sa likuran namin. Tanaw pa rin ang entrance ng exclusive club, at kahit nakasara ang mga pinto, rinig ko pa rin ang malakas na tugtog mula sa loob.“Hey! Where are we going?” tanong ko habang pilit na itinataas ang ulo ko.“Home.”Agad na kumunot ang noo ko.“NO!”Napatingin sa akin si Cole.“You're drunk.”I forced my eyes open wider and glared at him.“I'm not!”“Of course.”“Don't use that tone with me, nerdy!”Napabuntong-hininga siya na para bang napakahirap kong alagaan.Excuse me? I was twenty-five years old! Isang maganda, mayaman, at bagong tuklas na heiress!At hindi ako papayag na basta na lang niya akong iuuwi dahil lang medyo umiikot ang mundo ko.Okay, fine. Medyo marami akong nainom, pero hindi iyon ang point!“I don't want to go home,” ulit ko, nak
SERAFINA'S POV “OOOOHHH!” Hindi ko sila pinansin. Ang atensiyon ko ay nasa lalaking nasa harapan ko. “See?” sabi ko habang marahang tinatapik ang dibdib niya. “You have a chest! You're not a mannequin!” Biglang nanigas ang katawan niya sa ilalim ng mga palad ko. Napakurap ako. Wait a minute. Tumingin ako sa mukha niya, pagkatapos ay sa dibdib niya. “OH!” Bahagyang umangat ang kilay niya. “What?” “You're actually muscular!” “Is that a surprise?” “Yes! You look like someone who spends his weekends reading books in a quiet café!” “Perhaps I read books about exercise.” Napahalakhak ako. “That's not how it works, nerdy!” Pero hindi pa ako tapos dahil sa sobrang pagtataka, dumulas ang isang kamay ko sa bahagyang bukas na kuwelyo ng black shirt niya, at marahan kong hinaplos ang matigas na abs sa ilalim ng tela. Biglang nanigas si Cole. Lalong lumakas ang hiyawan sa paligid namin. “Ohhh!” bulalas ko, namamangha. “You have nice abs!” Tumingin siya sa ka
SERAFINA’S POV “Another glass!” Halos sigaw ko habang itinataas ang walang laman kong champagne flute. “It's my treat this time! I'm the heiress, baby! No spending limit!” “WOOOOOH!” Naghiyawan ang ilang tao sa paligid namin, habang si Eunice naman ay napahalakhak at napahawak sa tiyan niya. “Sera, this is my treat! Don't steal my spotlight!” natatawa niyang protesta. Napahampas ako sa noo. “Oh, I forgot, BFF!” Itinuro ko siya na para bang may malaking rebelasyong natuklasan. “More champagne! It's my best friend's treat!” “THAT'S MY GIRL!” Lalong lumakas ang tawanan namin. Grabe! Kung ganito pala kasaya ang maging mayaman, bakit ba hindi ko ito ginawa noon pa? Well, technically, hindi ko naman pinaghirapan ang perang iyon. Isa akong transmigrated woman na biglang naging nawawalang heiress ng isang napakayamang pamilya. But hey, I'm not complaining! Sa real world, bago ako napunta sa katawan ni Serafina, kailangan ko pang mag-isip nang sampung beses bago bum
SERAFINA’S POV “Serafina.” Napahinto ako. The way he said my name was strangely intimate, considering we had only met a few minutes ago. I slowly looked up at him. “How did you know my name?” maang kong tanong. Hindi siya nagmukhang kinakabahan. Sa halip, kalmado niyang itinuro ang maliit na card na nakalagay malapit sa handbag ko. “I saw your name on the guest list.” Napatingin ako roon. Ah right, the guest list. Okay, Serafina. Relax. Hindi siya psychic. I cleared my throat and pretended I hadn't just suspected him of possessing supernatural abilities. “What's your name?” He looked at me for a second before answering. “I'm Cole.” “Cole?” For some reason, the name sounded familiar. I narrowed my eyes. Cole... Cole... Wala. Siguro narinig ko lang kung saan. Marami namang lalaking Cole ang pangalan. Hindi naman unique ang pangalan na iyon. So I quickly dismissed the thought. “Okay, Cole.” Ngumiti ako. “Come with me.” Tumango siya. “Wh
SERAFINA’S POV “Girl, they're practically fighting over you! Are you secretly a princess or something?” Napalingon ako kay Eunice, na halos hindi na makahinga sa kakatawa habang pinagmamasdan ang mga lalaking nag-uunahan sa harap ko. “Obviously!” bulong ko. “Parang may championship belt na nakataya!” “Then choose the winner!” “I'm trying!” Pero imbes na tumigil, lalo pang naging competitive ang mga lalaki. “I'm more suitable for her.” “You haven't even asked what she likes.” “Neither have you!” “Gentlemen, please,” singit ng isa, kunwaring kalmado. “Let the lady decide.” Napakagat ako sa labi para pigilan ang tawa. Oh, my God. Are they seriously competing for the position of my bed warmer tonight? This was ridiculous. And, unfortunately, entertaining. For once, hindi ko iniisip ang cheating husband kong si Enzo, ang mga mapanghusgang Carvajal, o ang fictional plot na tila may personal na galit sa akin at gusto akong makitang patay. Tonight, I was simply S







