MIRABELLA Nakasakay na ako sa loob ng kotse nang tuluyan akong napahawak sa manibela. Ilang sandali akong hindi kumilos, pilit na pinoproseso ang nakita ko sa parking lot. Si Jonas, na akala ko ay wala na akong pakialam, at si Clara, na itinuring kong kaibigan, ay magkahalikan sa harap ko. Huminga ako nang malalim, pero kahit ilang beses kong gawin iyon, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko. Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit, habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga pisngi."Clara..." bulong ko, saka napapikit. "Hindi ko akalaing kaya mong gawin sa akin iyon."Pinunasan ko ang luha ko, pero lalo lamang itong dumami. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kasakit ang nangyari. Akala ko, sapat na ang mga pinagdaanan ko kay Jonas para matuto akong huwag nang magtiwala nang basta-basta. Pero hindi ko inakalang pati si Clara, na palagi kong nakakausap at napagsasabihan ng mga problema, ay isa rin pala sa mga babaeng nasa buhay niya.Natawa a
Last Updated : 2026-10-20 Read more