MIRABELLA Halos hindi ko na nagawang ngumiti sa mga tauhang bumati sa akin. Pagod na pagod ako, hindi lamang sa pisikal na gawain kun'di pati na rin sa mga problemang sunod-sunod na dumadating sa buhay ko. Buong araw akong nakipag-usap sa mga taong may kinalaman sa negosyo ko, pero sa halip na makahanap ng solusyon, lalo lamang akong nabigatan sa mga balitang natanggap ko. Dalawang branch ng restaurant ko ang tuluyan nang nagsara. Samantala, ang isa ko namang franchise ay tuluyan nang nawala sa operasyon. Sa ngayon, dalawang franchise at isang restaurant na lamang ang natitira sa lahat ng pinaghirapan kong itayo. “Hay buhay…” Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito. Dati, masaya akong tumitingin sa mga ulat ng negosyo ko dahil nakikita ko roon ang bunga ng lahat ng pagod at pagsisikap ko. Ngayon, halos araw-araw ay problema ang bumubungad sa akin. Panay ang labas ng pera para sa mga gastusin, suweldo, renta, at iba pang obligasyon, pero halos wala nang pumapasok na kita para maibali
Last Updated : 2026-10-22 Read more