Katherine Limang taon na ang nakalipas... "Cathy!" sigaw ko sa anak ko nang hinila niya ang buhok ko. Kanina pa kami nag-aaway dahil ayaw niyang maligo. Winisikan niya ako ng tubig kanina, tapos ngayon naman ay sinabunutan. Kanino ba nagmana ang batang ito? Siguro, tinuruan na naman ni Alexander na maging salbahe, kaya salbaheng lumaki ang anak ko. Humanda talaga si Alexander sa akin pag-uwi niya. Matitikman niya ang bagsik ng aking paghihiganti. Dahil sa kanya ay kung anu-ano na ang natutunan ng anak ko. "Ayaw ligo," sambit niya, naiiyak, pero nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata. But she shook her head. "Mama, ayaw ligo Cathy." "Maligo ka dahil may klase ka pa." Mariin kong sinabi, pero napapadyak siya sa kanyang paa. Mabuti na lang at wala pang tubig sa sahig, kaya hindi madulas. At isa pa ay nakahawak siya sa aking buhok, halos mainta na ang bunbunan ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking buhok. "Baby, let go of Mama." Mahinahon kong
Last Updated : 2026-09-14 Read more