Katherine "Dada, you made breakfast for us?" gulat na tanong ni Cathy nang magising siyang nasa kusina namin at ang Dada niya. "Yes, baby," malambing na sinabi ni Alexander at hinalikan sa pisngi ang anak ko, saka pinatungtong ito sa upuan. Inilapag ni Alexander ang paboritong mga steamed na gulay ni Cathy. "This is for my baby." Inilagay niya iyon sa plato ng anak ko. "And this," the beef steak that he was grilling—he put it on my plate. "For my big baby," bulong niya upang hindi marinig ni Cathy. Napailing na lamang ako at umupo sa tabi ni Cathy. "Kumain ka na rin," alok ko sa kanya. "Wala bang kiss diyan?" nakapout niyang bulong nang magtapat kaming dalawa. Mabuti na lamang at abala si Cathy sa kanyang pagkain, kaya hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki. Nilakihan ko siya ng mata, pero mas lalo lamang humaba ang nguso niya. "Mamaya na kapag wala ang bata!" asik ko. Lumapad ang ngisi niya, tapos bumaling kay Cathy. "Cathy, tapos ka na? Hatid na k
Last Updated : 2026-09-19 Read more