Katherine "Mabuti naman at nagkausap na kayo ng ama mo, Cathy," I said when we were home. "Yeah, he was good." Pagod na, sinabi ni Cathy at dumiretso na sa kanyang kuwarto. Kanina pa ako may kakaibang napapansin, pero hindi ko na lang pinansin. Sigurado naman akong wala lang iyon at maayos naman silang nagkausap ni Leon. Isa pa, siya naman ang may gusto nito, kaya alam ko na maayos silang dalawa. The next day. Wala akong napapansin na kakaiba. Everything was normal. Not until she finished her food. "Manang Dilya, gisingin mo na po si—" "Si Papa po ang kukuha sa akin ngayon." Pagputol ni Cathy sa sasabihin ko sa aming kasamahan dito sa bahay. Nakakunot ang noo ko nang tumingin ako sa kanya. "Why? Am I not allowed to do it?" I shook my head. "Hindi naman, Cathy, but..." Tumayo na siya, naglakad patungo sa akin at bineso ako. "I'll go na ma, Ma. Papa is waiting for me at his car." Bakit tila may kakaiba akong nararamdaman? Tila ba… may bagay
Last Updated : 2026-09-30 Read more