“AKO NG BAHALA SA LAHAT NG GAGASTUSIN NG PAPA MO,” sabi kaagad ni Marlo sa kanya, “Wala ka ng dapat na ipag-aalala pa.” Sabi sa kanya ni Marlo nang makitang bahagya siyang nataranta sa sinabi ng doctor. “Gawin nyo po ang nararapat sa lalong madaling panahon,” anitong bumalik sa doctor.“Salamat.” Iyon lang ang tanging sinagot niya rito, “Magpapaiwan ako dito sa Santa Barbara, pwede ka ng bumalik sa Manila.”“Carly, hindi ka naawa sa asawa mo? Bakit hindi mo na muna siya yayain sa bahay para makapagpahinga,” anang Mama niya sa kanya.Magproprotesta sana siya lalo pa at wala naman silang ekstra na kwarto sa bahay nila. Ibig bang sabihin ay magsasama sila sa iisang kuwarto?Pero mapilit ang Mama niya, kaya napilitan na rin siyang umu-oo na lang lalo pa at wala namang mga hotels dito sa Santa Barbara. Isa pa, may katwiran naman ang Mama niya, pagod na pagod na si Marlo, kailangan din naman nitong magpahinga.NAGULAT SI MARLO NANG MALAMANG SA IISANG KUWARTO LANG SILA matutulog ni Carly
Last Updated : 2026-10-16 Read more