NALILIGO SI CARLY NANG may makitang ipis sa loob ng kanyang bathroom kung kaya’t napatakbo siyang palabas habang sumisigaw. Wala siyang pakialam kasehodang nakahubad siya, takot siya sa ipis, “Marlo!!!” tawag niya rito, tarantang-taranta siya at nagpapanic kung kaya’t nakalimutan niya ang lahat ng nararamdaman niya sa lalaki, ang mahalaga ay mapatay nito ang ipis.Napasugod bigla si Marlo sa loob ng kuwarto niya. Pansamantala itong natigilan nang makita ang ayos niya. “May ipis sa loob ng banyo,” napapaiyak na sabi niya rito, “Patayin mo iyong ipis sa loob ng banyo!” Natatarantang utos niya dito.Mas takot siya sa ipis kaysa kay Marlo.“Ano pang ginagawa mo, patayin mo iyong ipis!” Sigaw niya dito nang mapansing para itong natulala habang nakatingin lang sa kanya. “N-nasa loob ng banyo.”Saka lang waring natauhan si Marlo, pumasok ito sa loob ng banyo. Paglabas nito ay bitbit na nito ang ipis na nakabalot sa tissue paper.“Magligpit ka kasi ng kuwarto mo para hindi ka iniipis. At
Last Updated : 2026-10-14 Read more