KANINA PA NIYA TINATAWAGAN SI BOYET ngunit can not be reach ang telepono nito. Ngayong araw siya susunduin ng mga magulang ni Marlo. Kahit anong pagtutol ang gawin niya, wala na siyang kawala kay Marlo. Kung hindi naman siya papakasal dito ay mapipilitan ang mga Villamor na ipakulong ang tatay niya. Si Boyet na lamang ang pag-asa niya.Napabuntong hininga siya ng malalim nang sa wakas ay marinig na tumutunog na ang phone nito, “Boyet, kanina pa kita tinatawagan.”“Pasensya na, nagkasakit ang panganay ko kaya ako ang bantay sa ospital,” sagot nito sa kanya.“Boyet, listen, gusto akong ipakasal nina Papa dun sa anak ng kaibigan nya. Itanan mo na ako, Boyet.” Aniya rito.“Hey, Carly, alam mong pamilyado akong tao.” Paalala nito sa kanya.“Pero. . .” napakagat labi siya. Oo nga naman. Nang makipagrelasyon siya kay Boyet, alam niyang may pamilya na ito pero itinuloy pa rin niya para matugunan ang financial needs ng kanyang pamilya. Hanggang ngayon kasi ay wala pa siyang mahanap na m
Last Updated : 2026-10-09 Read more