"ALAM MONG ASAWA KO SI MARLO, HINDI BA?" Sita ni Carly kay Lovely nang magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap ng sarilinan.Ngumiti ang dalaga sa kanya, "Hindi naman lingid sa akin iyon, ate," sabi nito sa kanya, "Hindi nga ba ilang beses kang nagpakilala sa akin?" May bahid pa ng sarcasm na sagot nito.Napahumindig siya. Tingin niya ay palaban rin ang babaeng ito. Mukha lang mahinhin ngunit may kalandiang itinatago."Alam mo naman pala eh. Alam mo rin siguro na masagwang dikit ng dikit sa lalaking may asawa?" May ere ng pagsusungit na sabi niya, "I'm telling you now, masama akong kaaway." Babala niya rito, "At kung ano ang akin, gusto ko sakin lang at ayoko ng may kaagaw."Pero mukhang hindi naman niya nasindak si Lovely, "Dapat kay Marlo mo yan sinasabi. As far as I know, magkaibigan na kami bago ka pa dumating sa buhay niya. At saka wala naman kaming ginagawang masama para pagsalitaan mo ng ganyan." dagdag pa nito, "Mga marurumi lang ang isip na gaya mo ang naglalagay ng
Last Updated : 2026-10-19 Read more