"AKALA KO BA SIMPLENG DINNER LANG?" Nagtatakang tanong ni Margaux kay Rico nang pagdating nila sa bahay nito ay isang malaking party pala ang dadatnan nila."Akala ko nga rin," sagot sa kanya ni Rico, "Ang sabi ni Mama. . ." Napatingin ito sa simpleng bestida na suot niya, habang ang lahat ng mga naruruon ay mga nag-gagandahang gown ang mga kasuotan. Pati mga lalaki ay naka-formal attire din, huminga ng malalim si Rico saka binulungan siya, "Hindi bale. Ikaw pa rin naman ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Kahit nga basahan lang ang isuot mo, hindi ka pa rin nila matatalbugan," pagbibigay assurance sa kanya ni Rico.Ngumiti siya, "Don't worry, hindi naman ako na-iinsecure eh," kampanteng sabi niya kay Rico kahit ang totoo, parang may naamoy na siyang hindi magandang mangyayari sa gabing ito. Hindi na lamang niya isinatinig ang kanyang pag-aalala dahil ayaw naman niyang masabi ni Rico na pinagdududahan niya ang mga magulang nito. Pero nang ipakilala siya ni Rico sa parents nito a
最終更新日 : 2026-09-07 続きを読む