BIANCA'S P O V ~Nang matapos niya akong suriin, iniabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. “Uminom ka muna.” Tinanggap ko iyon. “Salamat.” Umupo siya sa tabi ng examination bed habang sinusulat ang mga kailangan kong gawin. “Bianca, kung may nanakit sa’yo, puwede mo akong sabihan. Hindi mo kailangang sarilinin.” Napahigpit ang hawak ko sa baso. “Bakit? Ano’ng gagawin mo?” Tumingin siya sa akin. “Poprotektahan kita hanggang sa huling hininga ko.” Napangiti ako nang mapait. Kung sinabi niya 'yan noong mga panahong patay na patay la ako sa kaniya, maniniwala pa ako. “Paano kung hindi mo rin ako kayang tulungan?” “Bakit mo naman nasabi iyon, Bianca?” Hindi ako sumagot. Dahil paano niya ako tutulungan kung siya mismo ang dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ako lulugar? Paano niya ako tutulungan kung ang lalaking gusto kong lapitan ay siya ring lalaking gusto kong layuan? “Bianca, look at me.” Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. “Hindi ko al
Última actualización : 2026-09-25 Leer más