ETHAN Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na gising, pero wala akong balak bumangon sa oras na iyon. Hindi dahil inaantok pa ako, kundi dahil sa babaeng nakasandal sa dibdib ko at mahimbing na natutulog na para bang wala siyang ideya sa kaguluhang idinudulot niya sa akin. Ang babaeng siyam na taon kong hindi nakita nang ganito kalapit. Ang batang dating sunod nang sunod sa akin at kay Gabriel, na palaging may kuwento sa bawat pag-uusap at kayang magtampo kapag hindi ko pinapansin. Dati, sapat na sa akin na makita siyang masaya. Kapag nakangiti siya, natutuwa ako; kapag may problema siya, gusto kong tulungan siya. Simple lang ang lahat dahil malinaw sa akin kung saan siya nakapuwesto sa buhay ko, dahil kapatid lang ang tingin ko sa kaniya, dahil hindi ko naranasan na mayroong kapatid. Pero ngayon, habang nakikita ko ang mukha niyang payapang natutulog sa aking dibdib, hindi ko na mahanap ang dating kasiguraduhan. Marahan kong ibinaba ang tingin sa kaniya. Bahagyang nakatakip
Última actualización : 2026-10-23 Leer más