Hinihingal pa rin si Patricia habang maingat siyang ibinababa ni Lorenz mula sa marble counter. Nanginginig ang kanyang mga binti kaya kinailangan siyang alalayan ng binata. Inayos ni Lorenz ang gusot na dress shirt na suot niya, binalot siya ng isang mainit at mahigpit na yakap, bago ito naglakad papunta sa kabilang bahagi ng kusina para magluto ng almusal.Habang nakaupo si Patricia sa isang high stool, pinagmamasdan niya ang lalaking nagmamay-ari ng kanyang puso at katawan. Nakakapanibago. Dati, nakikita niya itong nagluluto sa maliit na kusina ng servant's quarters, nakasuot ng simpleng puting t-shirt. Ngayon, nagluluto ito sa isang state-of-the-art kitchen ng isang bilyong-pisong penthouse, hubad ang pang-itaas at pilit na itinatago ang mga kalmot na ginawa niya sa malapad nitong likod.Maya-maya, inilapag ni Lorenz ang isang plato ng mainit na pancakes, bacon, at sariwang prutas sa harapan niya. Kumuha ito ng remote at binuksan ang napakalaking flat-screen TV sa sala."Kain na,
Última actualización : 2026-09-05 Leer más