Dalawang araw ang lumipas bago tuluyang pinayagan ni Dr. Martinez na lumabas ng ospital si Patricia. Sa loob ng dalawang araw na iyon, hindi umalis si Lorenz sa tabi niya kahit isang segundo. Ang opisina ng LM Holdings ay tila inilipat na sa loob ng VIP room dahil doon na nag-utos at pumirma ng mga dokumento ang bilyonaryo, habang ang kabilang kamay ay laging nakahawak kay Patricia.Nang makarating sila sa penthouse, halos hindi na pinalakad ni Lorenz si Patricia. Mula sa underground parking hanggang sa private elevator, buhat-buhat siya ng binata na parang isang napakamarupok na porselana."Lorenz, kaya ko namang maglakad," nakangiting reklamo ni Patricia habang nakapulupot ang mga braso sa leeg nito. "Buntis ako, hindi ako baldado."Tiningnan siya ni Lorenz nang seryoso, ngunit ang mga mata nito ay nag-uumapaw sa lambing. "Sabi ng doktor, no strenuous activities. Ang paglalakad mula sa elevator papunta sa kwarto ay strenuous activity, Patricia. Hindi ko isusugal ang kaligtasan niyo.
Última actualización : 2026-09-07 Leer más