THE BOY WITH THE LETTERMaaga pa lang, excited na si Elise.Pagkagising niya, ang una agad niyang naisip ay ang pagkikita nila mamaya sa library. Ilang buwan niyang hinintay na malaman kung sino ang taong nasa likod ng mga sulat, pero ngayong ilang oras na lang ang hinihintay niya, parang gusto naman niyang bumagal ang oras.Hindi dahil ayaw na niyang malaman.Kabaligtaran nga.Sobrang gusto na niyang malaman kaya hindi niya mapigilan ang kaba.Pagbaba niya, nadatnan niya ang papa niya sa dining table. Nakabihis na ito para pumasok at tahimik na umiinom ng kape habang kumakain.“Good morning,” bati nito nang makita siya.“Morning, Pa.”Kumuha si Elise ng tinapay sa mesa. Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik sa dati ang relasyon nila ng papa niya.Nag-uusap na sila, pero kadalasan ay tungkol lamang sa mga kailangan. School, pagkain, pera, mga bagay sa bahay.Sinusubukan naman nitong lumapit sa kanya. Minsan ay kinakatok siya nito sa kuwarto para tanungin kung kumain na siya. May mga
Huling Na-update : 2026-09-07 Magbasa pa