READY OR NOTPagkatapos ng birthday ni Jason, nagkabati rin sila ni Elise. Humingi ito ng tawad sa nangyari, at tulad ng dati, pinili niyang tanggapin iyon.Pero habang papalapit ang panganganak niya, mas napapansin niyang nagbabago ang pakikitungo ng asawa. Naroon pa rin ang lambing, pero mas mabilis na itong mainis. May mga araw na maayos sila, saka biglang mag-aaway dahil hindi ito sumipot sa oras na napag-usapan nila o dahil malalaman niyang may lakad pala itong hindi sinabi sa kanya.Madalas, pareho rin ang ending. Magagalit si Elise, magiging defensive si Jason, hindi sila mag-uusap nang ilang oras o isang araw. Pagkatapos ay susuyuin siya nito, hihingi ng tawad, at magkakabati na naman sila.Hanggang sa isang hapon, naulit na naman iyon.Nasa bahay sila ng pamilya ni Jason nang mapansin ni Elise na nagmamadali itong magbihis.“Akala ko dito ka muna ngayon? Sabi mo sasamahan mo ako.”“Sandali lang naman ako. Nag-aaya sila Nico, tapos uuwi rin ako agad,” sagot ni Jason habang kin
Huling Na-update : 2026-09-17 Magbasa pa