THE NOTES STOPPED COMINGLumipas ang mga linggo, at unti-unting naging bahagi si Jason ng araw-araw ni Elise.Noong una, tatlo silang madalas na magkakasama. Kasama nila si Belle sa lunch, sa paglabas ng classroom, at kung minsan hanggang sa pag-uwi. Sa totoo lang, mas komportable si Elise kapag naroon ang kaibigan niya dahil may taga-salo siya kapag nauubusan siya ng sasabihin kay Jason."Napapansin ko, parang extra na lang ako kapag kasama ko kayong dalawa," minsang biro ni Belle habang kumakain sila.Napataas agad ang kilay ni Elise. "Ano ka ba? Ikaw nga itong laging may ginagawa.""Oo na. Ako na."Tumawa si Jason habang si Elise naman ay sinamaan ng tingin ang kaibigan. Pero kahit itanggi niya, napapansin din niyang mas dumadalas nga ang pagkakataong silang dalawa na lang.May guitar lesson si Belle. May ibang kailangang gawin. Minsan naman, nauuna itong umuwi. Hanggang sa nasanay na si Elise na may bakanteng upuan sa tabi niya na maya-maya ay si Jason ang uupo.Dati, simpleng pag
Huling Na-update : 2026-09-09 Magbasa pa