Wala ring nagawa si Elise.Kapag may gusto ang mama ni Jason, mabilis nitong nagagawang maging final ang isang bagay na akala mo ay suggestion pa lamang.Na-book ang isang malaking private function room sa isang upscale restaurant. May floral backdrop na may pangalan ni Hope, dessert table, customized souvenirs, photographer at videographer. May mahabang buffet at magkakahiwalay pang tables para sa relatives, family friends, ninong at ninang, at mga kaibigan ni Jason.Nang makita ni Belle ang setup, lumapit ito kay Elise at bumulong, “Akala ko binyag. Parang debut.”Napatawa si Elise.At kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya.Simple at elegant ang suot niya—isang soft champagne midi dress na may square neckline at maikling puff sleeves, fitted nang kaunti sa baywang ngunit maluwag pababa. Hindi iyon flashy. Malinis lang tingnan, bagay sa solemnity ng araw.Maganda siya.Alam niya iyon.Sinabi rin iyon ni Jason nang makita siya nito.Pero hindi katulad noon ang confidence niya.Ila
Huling Na-update : 2026-09-19 Magbasa pa