KINAUMAGAHAN ginising siya ni Hephaestus. Kinusot kusot niya ang mga mata upang maaninag ng tama ang mukha ng lalaki. Bumungad sa kanya ang dismayadong tingin. Tinakpan niya ang mga maseselang parte ng katawan kahit nakita na naman ng binata. Nilibot niya ang paningin. Nakatulog pala siya sa pagmumuni ng madaling araw. Gawa ng pagod nakaidlip siya sa mismong lamesa. Pasimple niyang pinunasan ang bibig kung may laway ba o wala. Nahihiya siya ng madatnan na ganito ang hitsura. Samantalang ito fresh na fresh, magulo ang buhok na kagigising lang din, may suot na itong roba, white sando at pajama."Uh s-sorry nakaligtaan kong bumalik sa kwar-""Tsk tsk paano kapag may nakapasok dito. Goddamn it wala kang ni isang suot na saplot." Hinubad nito ang suot na bathrobe. Hinayaan niya itong bihisan siya. Umiwas pa ito ng tingin ng makita ang kahubaran niya. "Eherm. Baka gusto mo ng magshower doon na sa mismong kwarto ko. Magkasakit ka pa sa lagay na iyan." hindi siya nakaimik dahil mukhang badt
最終更新日 : 2026-09-14 続きを読む