"SO you're the new girl?"Biglang naputol ang mga sulyap ni Crisia sa nag-uusap na dalawang lalaki nang may tumabi sa kanya at magsalita. Sa gilid niya ay nakatayo ang isang maganda, sobrang puti, at seksing babae. Nagmistula itong foreigner sa suot nitong masyadong fit at backless na itim na damit na mas lalong nagpakintab sa kanyang kulay-gatas na balat. Nakatutok ang mga nang-aakit nitong mata sa hawak na champagne glass, habang siya naman ay natigilan at titig na titig sa maladyosang babae."A-ako ba ang tinutukoy mo?" wika ni Crisia habang lumingon pa sa likod niya, kahit alam niyang siya ang nag-iisang nag-iisa roon sa tabi malapit sa veranda."Yes, you silly." May bahid pa ito ng accent na hula niya ay nagmula sa Europa. Umayos ito ng tayo na muntik nang ikapaurong ni Crisia sa sobrang tangkad nito. Humarap na ito sa kanya nang patagilid, pareho silang nakahilig sa mababang lamesa."You're Navarro's girl, hindi ba?" Maarte ang boses nito, halatang sanay mag-English."Y-yes... ma
آخر تحديث : 2026-09-29 اقرأ المزيد