Naunang bumaba ang binata matapos nitong pinarada ang kotse. Saglit lang nitong pinagbuksan siya ng pinto, nang makababa nagmartsa na agad ito pagbaba ni Crisia. Nangunot ang noo niyang sinundan ito ng tingin. Napanganga siya ng basta na lamang siyang iniwan.Unang pagkakataon na mainit ang ulo nito. Mahina siyang humakbang, nakaramdam ng pagod, pagka inis, at pagkalito. "Ti." tawag niya nang pagbukas niya ng pinto nakaakyat na ito, nagmamadali saka nawala sa paningin niya. Napasinghap siyang muli. Sumulpot si Nanay Mert ngunit bago niya pa makagawang magtanong, may taong nakasunod rito-hindi dalawang tao pala."Nanay Mert." nagmano siya rito. Pagod na ngiti ang tinugon nito. Bumaling ito sa dalawang tao sa likura. Tapos tumingin ulit sa kanya."Asawa ko iha at bunsong anak kong si Rupert. Siya nga pala si Crisia nobya ni Hephaestus." unang naglahad ng kamay ang asawa ni Nanay sa kanya. Magiliw ang ngiting binigay sa kanya, nanaisin man niya pero nababahala siyang hindi makausap ng m
آخر تحديث : 2026-09-19 اقرأ المزيد