“NAK, ang Itay mo naaksidente!” Tila nabingi si Crisia at agad namang natauhan nang marinig ang boses ng ina sa kabilang linya. “Umiwas ang iyong Itay at bumunggo siya sa puno ng isang poste! Nasa ospital kami ngayon...” Nasa loob pa lang ng CR si Crisia nang halos mapatalon siya sa lakas ng katok at sigaw ng kanyang kasama sa bar. “Crisia! Lumabas ka na diyan, magsisimula na tayo sabi ni Mader Tiggy!” sigaw ni Kat mula sa labas.“Nay, mamaya na ho tayo mag-usap ulit,” sabi ni Crisia sa ina habang pinipigilan ang kaba. “Huwag kayong mag-alala, magpapadala ako ng pera mamaya.”Pagkalabas niya, bumungad agad sa kanya si Kat na nakasuot na ng maikling shorts, tube, makapal na makeup, at naka-ponytail ang buhok. Mabilis siya nitong hinigit patungo sa bartender's table kung saan naroon ang manager.Napaisip si Crisia habang naglalakad. Noong nakaraang linggo lang, marami pa rin ang namimilit na gusto siyang ikama. Nanaig sa kanya ang dignidad at virginity noon, pero ngayon, dahil sa nangy
Última actualización : 2026-09-07 Leer más