"The truth leaves footprints. You just need the patience to follow them." ****** Hindi naging maayos ang sumunod na dalawang araw para kay Ellen, hindi dahil dumami ang trabaho sa Vidal Holdings. Sanay na siya roon. Ang mahirap tanggapin ay ang pakiramdam na parang may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya. Paglabas niya ng condominium sa umaga, may dalawang lalaki ang nakatayo sa kabilang kalsada na kunwari'y nagkakape, pero ilang beses siyang sinulyapan. Pagdating niya sa opisina, may mga bagong mukha sa lobby. May ilan na nagpapanggap na delivery rider, may iba namang kunwari'y naghahanap ng interview para sa internship. Minsan, paglingon niya sa glass wall ng building, may camera na nakatutok sa entrance. Hindi niya alam kung reporter ba ang mga iyon o simpleng usisero lang. Pero iisa lang ang sigurado niya. Hindi na siya ganoon ka-invisible tulad ng dati. Huminga siya nang malalim bago lumabas ng elevator. "Good morning, Miss Ellen." Ngumiti ang receptionist. "Good mo
Last Updated : 2026-09-17 Read more