Home / Romance / The Billionare CEO'' Nerdy Secretary / Chapter 46 : Kiss Me Again (SPG)

Share

Chapter 46 : Kiss Me Again (SPG)

Author: BelleNocturne
last update publish date: 2026-10-10 11:20:22

ELLEN'S POV ;

Pagkatapos ng halik namin sa parking, hindi kami umuwi agad.

Nasa biyahe na kami, hawak pa rin ni Westley ang kamay ko habang nagda-drive. Mahigpit, na parang ayaw na akong pakawalan.

"Sa akin ka na muna matulog ngayong gabi," sabi niya, hindi na nagtanong kung okay lang ba. Diretso pero nag-aalala ang boses. "Delikado na yung litratong kumalat kanina. Ayokong mag-isa ka sa condo mo ngayon."

Hindi na ako tumanggi. Pagod na talaga ako. Pagod kakaisip sa mga tsismis, sa tingin ng mg
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chaptef 49 : One Forbidden Kiss

    "Some kisses are not forbidden because they're wrong... they're forbidden because once they happen, there's no turning back."******ELLEN'S POV :Pakiramdam ko buong Pilipinas na yata ang nakatingin sa akin pag gising ko.Isang umaga lang, nagbago lahat ng tahimik kong buhay.Nasa social media na yung litrato namin ni Westley sa night market at yung yakap sa harap ng condo ko. Kalat na kalat na. May mga nagsasabing sweet daw kami at bagay. May mga kinikilig at nag-eedit pa ng video namin.Pero mas marami yung nanghuhusga.Gold digger. Secretary lang naman pala. Kaya pala napromote agad. CEO at empleyada? Hindi bagay, mukhang pera lang.Paulit-ulit kong binabasa yung mga komento sa Facebook at sa TikTok hanggang sa tuluyan kong ibinaba yung cellphone ko sa mesa. Masakit pala kapag hindi ka naman kilala ng tao pero parang alam na nila ang buong pagkatao mo at kung anong klaseng babae ka.Hindi ko namalayang may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko sa may tapat ng condo. Bumukas yung

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 48 : Caught By The Media

    Hindi na napansin nina Westley at Ellen ang itim na SUV na ilang minutong nakasunod sa kanila pauwi galing sa food park.Abala silang nagtatawanan sa loob ng sasakyan ni Westley. Si Westley ang nagmamaneho habang si Ellen ay tahimik na nakatingin sa maliit na keychain na napanalunan niya sa shooting game kanina."Ngayon lang ako may napanalunan sa shooting game," nakangiti niyang sabi habang pinaglalaruan ang keychain na puso ang hugis.Napatingin si Westley sa kanya habang nagda-drive. "Keychain lang yan ah. Hindi man lang teddy bear.""Hindi importante kung gaano kamahal yung napanalunan," sagot ni Ellen at isinabit ang keychain sa susi niya. "Importante kung sino ang kasama mo nung nanalo ka."Napailing si Ellen sa sarili niya pagkasabi nun at natawa."Naku... CEO ka talaga kahit naka-jeans ka lang," sabi ni Ellen."Bakit mo nasabi?" tanong ni Westley at ngumiti."Ang dali mong gumawa ng cheesy lines na parang scripted," sagot ni Ellen."Practice lang yun," sagot ni Westley."Pract

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 47 : Secret Date

    "The best dates are not the expensive ones... they're the moments you wish would never end."****Matapos ang naging pag-amin ni Westley sa harap ng buong kumpanya, mas dumami ang usapan sa Vidal Holdings.May mga natuwa at kinilig sa ginawa ni Westley. May mga hindi pa rin sang-ayon at sinasabing masyadong mabilis. Pero isang bagay ang hindi nagbago sa lahat ng tsismis.Mas naging determinado si Westley na ligawan si Ellen araw-araw.Bandang alas-singko ng hapon, katatapos lang ng meeting ng executive committee at palabas na si Ellen ng conference room dala ang laptop niya.Habang naglalakad siya sa hallway, bigla siyang inabutan ni Marco ng maliit na puting envelope na may wax seal."Para sa'yo, Miss Ellen," sabi ni Marco at ngumisi.Napkunot-noo si Ellen at kinuha ang envelope. "Kanino galing to?"Ngumisi si Marco nang mas malapad at kumindat. "Feeling ko alam mo na kung kanino galing. Amoy mayaman eh."Pagbukas ni Ellen ng envelope pagbalik niya sa mesa, isang maliit na card lang

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 46 : Kiss Me Again (SPG)

    ELLEN'S POV ;Pagkatapos ng halik namin sa parking, hindi kami umuwi agad.Nasa biyahe na kami, hawak pa rin ni Westley ang kamay ko habang nagda-drive. Mahigpit, na parang ayaw na akong pakawalan."Sa akin ka na muna matulog ngayong gabi," sabi niya, hindi na nagtanong kung okay lang ba. Diretso pero nag-aalala ang boses. "Delikado na yung litratong kumalat kanina. Ayokong mag-isa ka sa condo mo ngayon."Hindi na ako tumanggi. Pagod na talaga ako. Pagod kakaisip sa mga tsismis, sa tingin ng mga tao, sa lahat ng nangyari sa buong linggo.Pagdating namin sa penthouse niya, tahimik ang buong unit. Malamig ang aircon. Yung ilaw lang sa sala ang bukas, warm light. Amoy pabango niya sa buong paligid, yung amoy na nakasanayan ko na sa office."Gusto mo ng tubig?" tanong ni Westley pagkasara niya ng pinto.Umiling ako at nilapag ang bag ko sa sofa. "Gusto ko lang huminga saglit."Lumapit siya at walang salitang hinaplos niya ang likod ko, taas baba. Doon ko lang naramdaman na nanginginig pal

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 45 : Public Confession

    "The bravest confession is the one made in front of everyone... knowing you might lose everything."Kinabukasan, maaga pa lang ay parang may sariling buhay na ang tsismis sa Vidal Holdings.Hindi pa man nagsisimula ang office hours, may mga empleyado nang nagbubulungan sa pantry habang nagtitimpla ng kape."Narinig mo ba? Nililigawan daw ni Sir Westley si Miss Ellen na secretary," bulong ng isang babae mula sa accounting."Hindi lang daw nililigawan. Sila na raw talaga," sagot ng katabi niya."Hindi bagay sila," singit nung isa pang babae."Bakit? Cute kaya silang dalawa," sagot ng isa."Nerd kasi si Ellen dati," sabi nung una. "Hindi naman sa panglalait, pero ang daming mas magaganda at mas bagay kay Sir Westley."Hindi nila alam... nasa kabilang mesa lang si Ellen. Tahimik siyang naghahalo ng kape habang hawak ang mug, naririnig ang bawat salita nila.Hindi siya nasaktan nang sobra. Pero ramdam niyang bumigat ang dibdib niya habang nakikinig. Hindi dahil sa itsura niya. Kundi dahil

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapte 44 : Tiffany's First Move

    Dinner pa lang ang usapan nina Ellaine at Chairman Antonio sa mansion. Pero sa kabilang panig ng siyudad, may ibang taong abala ring maghanda. Hindi para makipagbati. Kundi para magsimula ng digmaan. Nasa rooftop bar ng isang hotel sa Makati si Tiffany Monteverde. May hawak na wine glass habang nakatanaw sa ilaw ng buong Makati. Naka-red dress siya at maayos ang buhok. Nakaupo sa tapat niya ang isang lalaking naka-itim na suit at naka-cap. Private investigator na matagal na niyang binabayaran. "Sigurado ka sa laman nito?" tanong ni Tiffany habang nakatingin sa envelope. Tumango ang lalaki at iniabot ang isang makapal na brown envelope sa mesa. "Nasa loob lahat, Ma'am Tiffany. Complete profile ni Ellen Cruz." Ngumiti si Tiffany at kinuha ang envelope. Binuksan niya ito at inilabas ang laman sa mesa. Resume ni Ellen Cruz sa Vidal Holdings. Employment records. Lumang IDs mula sa ibang kumpanya. Mga litrato mula sa CCTV ng building. Hanggang sa huminto ang kamay ni Tiffany sa isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status