"Ano ang pakiramdam ng ma set up?""What? Ano ang—" hindi na naituloy ni Danica ang iba pang tanong nang biglang natumba si Amelia. "Ouch, Danica, what's wrong with you?"Gulat na napatingin sina Leslie at Flor kay Amelia na naka upo na ngayon sa sahig. Nagulat sila sa sinabi nito kasi nakita nila ang nangyari. "What the hell?" Galit na tinabig ni Liam ang braso ng kapatid at tinulungang makabangon ang asawa. "Wala akong kasalanan!" Masama ang loob na ani Danica. Nakakasama ng loob na pagbintangan siya at naniwala naman ang kapatid na hindi muna siya tinatanong."Diyan ka magaling, ang itanggi ang kasalanang nagawa mo!" Singhal ni Liam sa kapatid bago sinuri ang kamay at paa ng asawa.Mabilis na nilapita ni Leslie ang kaibigan at niyakap dahil kamuntik na itong matumba nang tinabig ng binata. "Liam, totoo ang sinasabi ni Danica at nakita ko ang nangyari. Kusang natumba ang babaing iyan at—""Huwag mo na siyang kampigan, Leslie. Alam ko na kakampihan mo siya dahil kaibiban mo!"Nasa
최신 업데이트 : 2026-10-19 더 보기