“Rain, ingatan mo itong anak ko. Ayaw kong mawala pa siya ulit,” bilin ni daddy.“Dad, they're not going anywhere. Kukuha lang sila ng damit sa botique,” natatawang sabi ni Kuya Diego kay daddy.“You don't have to worry, tito. I promise you I will take care of her,” sabi ni Ulan. Tumabi siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumapat ang malapad niyang palad sa bewang ko.Kailangan bang may pa ganito?“Let's go?” nakangising anyaya niya sa akin.Pilit akong ngumiti sa kanya at hinayaan ko siyang akayin niya ako palabas. Nang makarating sa isang magarang kotse na sigurado kong pagmamay-ari niya ay agad akong lumayo mula sa kanya.“Chansing ka ah!”“Tss! Hindi ka maganda para chansingan.”Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat. “Sakay!”“Oh! Gentleman,” sarkastiko kong sabi sabay irap. At saka ako padarag na sumakay sa sasakyan niya. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagsusumbong na ginawa niya kay Sir Aldrin kaya kami na-detention. Sagad sa buto ang galit ko sa lalaking 'to
Última actualización : 2026-09-10 Leer más